Celebrity Life

Mark Herras: 'Hindi pa ako nabubulol sa eksena'


Kapuso actor Mark Herras was both amused and proud when he revealed during Rhodora X's bloggers' conference na hindi pa siya nabubulol sa mga linyang binibitiwan niya sa pinakabagong teleserye na handog ng GMA.

Aminado si Mark na mabilis siyang magsalita kaya madalas siyang nabubulol, dahilan para aralin daw niya nang husto ang character ni Joaquin.

"Talagang ninanamnam ko ang bawat letrang nilalabas ko sa bibig ko. Hindi dahil sa gusto kong bagalan magsalita, kundi gusto ko rin na maintindihan ng tao 'yung mga sinasabi ko," he explains in an exclusive interview with GMANetwork.com during the Rhodora X mall show in Iloilo City.

Bumisita sina Mark, Jennylyn Mercado at Yasmien Kurdi sa Iloilo City last January 24 to take part in the city's Dinagyang Festival.

Hindi man daw niya maiwasan ang mga batikos ng kanyang bashers at haters ay natutuwa naman siya kapag nakakatanggap siya ng positive feedback. "Kapag mapansin ng tao na 'Uy, ang linaw na magsalita ni Mark,' which, kapag nakakarinig ako at nalalaman ko na ganun ang mga tao sa akin, natutuwa naman ako siyempre."

Sa muling pagtatambal nila ni Jennylyn Mercado, anong klaseng kilig kaya ang dapat abangan ng kanilang fans?

"'Yung kilig na gagawin namin ni Jen sa Rhodora X is parang bonus na lang para sa mga manonood. Ang maganda kasi sa Rhodora X is 'yung kuwento niya talaga. Dapat nilang panoorin ito hindi lang dahil ito ang pagbabalik-tambalan namin ni Jen at reunion project naming mga galing sa Starstruck. Talagang maganda ang istorya nito, marami silang mapupulot na magagandang bagay, at kung paano i-handle ng tama ang taong may DID."

Abangan si Mark Herras bilang Joaquin sa Rhodora X, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Carmela: Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw, sa GMA Telebabad.

-- Text by Michelle Caligan, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com