Celebrity Life

“Kahit papaano hindi naman ako nababakante” - Glaiza de Castro


Dahil sa husay ni Glaiza sa pagganap bilang Heidi sa Temptation of Wife, di maiiwasang ma-miss ng mga manonood ang kanyang presence sa Kapuso shows.

Kuwento ni Glaiza, hindi naman siya nawala sa telebisyon. “Marami akong inaasikaso habang hindi ako nakikita sa TV. Meron din akong business ngayon na medyo bago din talaga para sa akin kasi ngayon lang din ako nasabak sa ganitong trabaho.”

Ang business na tinutukoy ni Glaiza ay ang Galura Talent Agency. Aniya, “Mahirap pero masaya. Nakakatuwa na marami na ring nag-e-enroll tapos may mga bata rin kami for kids' acting. May mga kabataan na rin na nag-e-enroll. So masaya kahit wala akong ginagawa sa taping, may ginagawa ako sa likod ng camera.”

Dahil sa ipinakitang galing ni Glaiza sa Temptation of Wife, hindi ba siya nape-pressure kung paano niya mahihigitan ang kanyang role as Heidi?

“Medyo po. Every project naman po, I try to make it better lagi. Para di naman paulit-ulit at nakakasawa sa mga audience. So hopefully 'yung next project e handang-handa na ako,” sagot ni Glaiza.

Ayon kay Glaiza, naniniwala siya sa tamang timing sa pagpili ng projects. Meron naman siyang natatanggap na projects pero aniya, pinag-iisipin niya itong maigi.

Dagdag ni Glaiza, “Okay naman po ako dahil po may mga ginagawa pa rin naman po ako. Vampire Ang Daddy Ko, 'yung Sunday All Stars, so kahit papano hindi naman ako nababakante.”

-Text by Maine Aquino, Photo by Elisa Aquino, GMANetwork.com