Celebrity Life

Benjamin Alves says goodbye to Bok; welcomes Agalon in 'Adarna'


In Adarna last week, we saw how Bok, played by Kapuso actor Benjamin Alves, remembered his past and his real identity as Agalon, Garuda's half brother who was sent to search for Ada. Bumalik man ang kanyang alaala ay hindi pa rin niya nakakalimutan ang pagtingin niya kay Ada, dahilan para hindi niya agad ito madala pabalik sa Pugad Sanghaya.

Ekslusibong nakausap ng GMANetwork.com si Benjamin sa unang araw ng taping niya bilang Agalon. Aminado siyang nalulungkot siya sa pagkawala ng playful side ng kanyang character, pero handa naman siya sa bagong hamon na dala ng bago niyang katauhan.

"As an actor, nakakatuwa siya because it's a different approach with a different preparation. Pero as an audience watching the show, nakakalungkot. Sana maibalik 'yung ganung personality ni Bok, kasi nakakatuwa eh, and it's fun to portray. I see where they want to go with it, maganda 'yung istorya."

Because it was only Bok's memory that was changed and not his emotions, he will have to struggle between duty over love when it comes to Ada. "Ang nangyari naman kasi sa story, binalik lang ni Raya ang alaala ni Agalon. Hindi naman siya na-brainwash, kaya andun 'yung struggle. Dalawa na 'yung wine-weigh niya, 'yung past or present. Malayo 'yung ugali ni Agalon kay Bok pero andun pa rin si Bok."

Thankful din si Ben sa kanilang acting coach na si Yan Yuzon at kay Direk Ricky Davao for helping him create Agalon. Very consistent daw sila in sharing their ideas with each other kaya confident si Ben na magiging effective ang portrayal niya.

Ano na kaya ang mangyayari kina Bok at Ada ngayong magkalaban na sila?

"Marami silang dapat abangan kasi ang bumalik lang naman is ang memory ni Bok. Hindi naman nawawala ang pagmamahal niya kay Ada. Inamin naman niya ang pagmamahal niya bago siya naging Agalon. Hindi naman na-penetrate ni Raya 'yung puso ni Bok, so it's still there. Every time na makikita niya si Ada, sina Aling Lupe at Dino, lahat sila, nandoon 'yung struggle ni Agalon na 'Papano 'to?'" explains Ben.

Catch Benjamin Alves as Agalon in Adarna, weeknights after 24 Oras, on GMA Telebabad. -- Text by Michelle Caligan, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com