Celebrity Life

Drama or action, ano kaya ang pipiliin ni Bela Padilla?


Nagpapamalas ng galing sa pagganap ang Kapuso star na si Bela Padilla mapa-drama man o action ang kanyang proyekto. Alin kaya ang kanyang mas napupusuan?
 
“First love ko talaga is drama. Kung papapiliin ako babalik-balikan ko talaga ang drama kasi safe na ako. Parang alam ko na okay, kaya ko na gawin 'to. Nag-eenjoy ako na ginagawa' to. Hindi katulad ng action na minsan may mga stuff na [tinatanong ko sa aking sarili na] 'Kaya ko ba to? Kaya ko bang talunin yung ganito kataas?' Siyempre ayoko din kasi na kapag gagawa ako ng stunts magre-require ako ng double. Gusto ko ako 'yung gagawa ng stunts ko. So hindi pa ko ganoon ka-familiar sa territory na yun," kuwento ni Bela sa isang exclusive interview with GMANetwork.com.
 
Masaya ang dalaga na binibigyan siya ng pagkakataon ng GMA na gampanan ang kanyang mga dream roles. Dahil dito, nasusubukan umano ng GMA ang kanyang kakayahan bilang aktres.
 
“So far, 'yung mga nagawa ko sa GMA covered my dream roles na rin. 'Yung ginawa ko sa Magdalena na inapi, kinawawa pero parang sa ending she stood up for what she believed in. I think that's everyone's dream project to do a show na ite-test talaga ang limits mo sa acting. So, mache-check ko na sa list ko yung Magdalena. Sa Love and Lies naman very fun character siya yet still deep. There is no specific role I want to do, but I want to continue pushing myself like I want to see where I can go pa,“ she said in an interview.
 
Ayon kay Bela, good decision na wala siyang ka-loveteam. Saad niya, “I think it is easier to work na wala kang dinedependehan. 'Yung hindi mo puwedeng gawin ito kasi hindi siya yung katrabaho mo. Actually I'm very happy where I am right now. I can do things, with or without a partner. So it's easier."
 
Masaya naman niyang ibinahagi na kung bibigyan man siya ng loveteam, si Dennis Trillo ang pipiliin niya.
 
“Ang pinaka-idol ko talaga kasi ay si Dennis Trillo, so sana siya. O di ba ang dami kong sinabi kay Dennis Trillo rin pala mapupunta?” natatawang sagot niya.
 
For more updates on Bela Padilla and other Kapuso stars, log on to GMANetwork.com.
 
-Text by Maine Aquino, Photo by Elisa Aquino, GMANetwork.com