
Matapos ang guest appearance ni Dina Bonnevie sa Fast Talk with Boy Abunda, kamakailan lang ay napanood naman ang aktres sa vlogs ni Ogie Diaz.
Ilang maiinit na katanungan ang ibinato kay Dina na diretso, matapang, at emosyonal niyang sinagot.
Kabilang na rito ang tanong tungkol sa relasyon niya sa kaniyang mga manugang na sina Kristine Hermosa na asawa ng kaniyang anak na si Oyo, at Marc Pingris na asawa naman ng anak niyang si Danica.
Tanong ni Ogie, “Hindi mo ba nakakaaway o nakakasagutan, o nakakatampuhan 'yung mga manugang mo?”
Sagot ni Dina, “Hindi, never. Akala ko nga baka may time na mag-aaway kami ni Tin (Kristine Hermosa), never. Kasi si Tin sobrang alam mo… Hands-on siya sa mga anak niya, sila ni Oyo. Sila nagpapalit ng lampin, sila nagpapainom ng milk, sila nagdadala sa hospital. Si Oyo naghahatid ng katulong sa palengke… hands-on sila sobra… Hindi sila ma-maid… They're very private with their life. Super hands on sila.”
Dagdag pa niya, madalas daw niyang tinatanong si Kristine kung bakit ayaw niyang bumalik sa pagiging isang artista.
“Actually, ilang beses ko siyang tinatanong, si Tin, bakit ayaw mong mag-artista ulit? Like now, she's so thin, sobrang slim, ang ganda-ganda niya. Sabi ko 'yung Miss Universe ngayon pwede nang sumali kahit na may asawa. Bakit hindi ka sumali?”
Sabi niya, “Hindi na Ma, masaya na ko nang ganito, masaya na kami ni Oyo na ganito lang… Gusto ko naman.”
Ibinahagi rin ni Dina na sinabi raw niya noon kay Kristine na dream niyang makasama siya [Kristine], at ang kaniyang mga anak na sina Oyo at Danica sa isang teleserye.
Pagbabahagi ng aktres, “Ang dream ko magkasama tayo sa isang soap. Ikaw [Kristine], si Oyo, ako or si Danica kung puwede pa siya.”
Biro pa niya, “Or baka naman mag-uumpisa na si Marc na mag-artista?”
Kasunod nito, ibinahagi na niya ang ilang katangian ng manugang niya na si Marc.
Ayon kay Dina. “Si Marc, I've never seen someone so sweet to his wife. Minsan habang nagdi-dinner kami out of nowhere, kakargahin bigla si Danica, ido-Dawn Zulueta niya… Sobrang sweet niya sa asawa niya…”
Kuwento pa ng aktres, noong una raw ay napapansin niyang si Marc ang nagpapalit ng diapers ng mga anak nila ni Danica hanggang sa matuto na rin ang kaniyang anak na gawin ang mga ginagawa ng kaniyang asawa.
Samantala, ibinahagi rin ni Dina na naiiyak daw siya dahil sa tuwa tuwing nakikitang maayos ang buhay ng kaniyang mga anak.
“Sometimes, 'pag nandoon ako sa bahay ng mga anak ko at pinapanood ko sila, minsan naiiyak ako sa tuwa. Sabi ko, I'm so happy na may naiwan din pala ako sa mga anak kong disiplina… ang ganda ng relationship nila sa mga anak nila…”
Sila Danica at Oyo ay mga anak ni Dina sa kaniyang former partner at Eat Bulaga host na si Bossing Vic Sotto.
TINGNAN ANG AGELESS BEAUTY NI DINA BONNEVIE SA GALLERY SA IBABA: