Celebrity Life

Alfred Vargas, namigay ng roses sa UP sa Valentine's Day

By Gabby Reyes Libarios

Nagamit muli ni AraBella actor Alfred Vargas ang kanyang pagiging TV heartthrob at matinee idol nang maisipan niyang "pakiligin" ang ilang kababaihan sa University of the Philippines sa Diliman, Quezon City.

Bumisita no'ng Valentine's Day ang Quezon City councilor sa naturang unibersidad para mag-enroll sa UP School of Urban and Regional Planning, kung saan nais niyang makamit ang kanyang Doctorate degree on urban planning.

Matapos ang kanyang enrollment for the day, nagsimula nang maglibot ang aktor sa campus para mamigay ng red roses. Bukod sa mga nakasalubong na kapwa estudyante, ilang guro at staff din ng UP ang binisita ni Alfred para batiin.

A post shared by Alfred Vargas (@alfredvargasofficial)


Sulat ni Alfred sa kanyang Instagram post: "Met so many lovely people in UP Diliman during enrollment… So I thought of giving them roses for V-day Happy V-day, everyone!"

Bukod sa pagpapasaya, isang tanda raw ito na hindi lang sa Araw ng mga Puso dapat nating pinapakita ang ating pagmamahal sa mga babae sa buhay natin. Dahil araw-araw ay deserve daw ng ating mga nanay, asawa, kapatid, kaklase, kasintahan na makatanggap ng ating appreciation, kahit sa munting paraan lamang.

Hindi naman maitago ng ilan ang kanilang pagkakilig at pagkagulat sa ginawang "suprise" at sweet gesture ni Alfred. Ilan pa nga sa mga nakatanggap ay nagpa-picture pa. Game na game naman si Alfred na makipag-selfie with matching "finger hearts" pa nga, patunay na kahit ilang taon na rin ang nakakalipas, hindi pa rin nawawala ang charm ni Alfred sa mga kababaihan.

Marami rin sa netizens ang naka-appreciate sa ginawa ni Alfred, kaya naman binaha ng magagandang comments ang kanyang post sa Facebook.



Sabi ni Ma Susan Chan Uy: "good job Mr.Alfred Vargas youre lovely and very kind also a lovable person i admire you very much."

Sabi naman ni Amelia Digo Salvador: "Wow naman sarap feeling isang alfred vargas magbigay ng flower sayo nakakakilig."

Dagdag naman ni Vergie: "Sana meron dn ganyan dto sa bicol ng magallanes.happy Valentine's consehal alfred hindi klang artista napaka gentle mn mopa.godbless ang mga taong katulad mo."

Para sa mga hindi nakakaalam, mayroong Master's Degree in Public Administration na rin si Alfred mula sa University of the Philippines National College of Public Administration and Governance.

Bukod sa pangarap niya ito para kanyang sarili, pangako rin ito ni Alfred sa kanyang yumaong ina na si Atty. Susana "Ching" Dumlao Vargas. Matatandaan na gumawa pa nga ng dedication post si Alfred para kanyang ina noong July 2021, noong siya'y naka-graduate na sa kanyang master's program. Noon pa man, malinaw na nasa plano ni Alfred ang mag-PhD sa Urban Planning.

Sulat ng aktor, "Mommy, natupad ko ang pangako ko sa inyo. I wish you lived to see this promise fulfilled. Maraming salamat sa inspirasyon, sa guidance at sa disiplina. Higit sa lahat, thank you for teaching me to dream, work hard for my dreams, and help others reach their dreams as well."

Bago siya binawian ng buhay matapos ang halos dalawang taong pakikipaglaban sa cancer, si "Ching" Vargas ay isang dating Deputy Executive Secretary of Administration and Finance na nagsilbi sa ilalim ng tatlong presidente, Corazon Aquino, Fidel Ramos, and Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa kanya rin natutunan ni Alfred ang pagpupursige sa pag-aaral at ang pagpapahalaga sa tunay na kahulugan ng serbisyo publiko.

Bukod sa pagiging isang platform para ma-reach niya ang kanyang constituents at makapagbigay tulong at impormasyon, ginagamit rin ni Alfred ang social media para makapagpasaya ng publiko. Kamakailan, nag-celebrate pa nga ang aktor nang ma-reach niya ang 500K follower mark sa kanyang TikTok.