Celebrity Life

Ruru Madrid, may astig na bagong sasakyan

By Marah Ruiz

Ang lakas maka-astig ng bagong sasakyan ni Kapuso Action-Drama Prince at Sparkle star na si Ruru Madrid.

Napasakamay na kasi ni Ruru ang bagong #Z900RS Kawasaki motorbike niya.

Ayon sa aktor, matagal na raw niyang magkaroon ng retro-inspired na sasakyan tulad nito.

Nagbahagi pa siya ng ilang litrato ng bago niyang bike at ang una niyang try sa pagsakay nito,

"RIDE ON Finally got my hands on a retro yet modern ride," sulat niya sa Instagram.


Matatandaang isang motorbike enthusiast si Ruru tulad ng kanyang ama na si Bong Madrid.

Sa katunayan, nag-aral pa siyang sumakay ng dirt bikes sa MX Messiah Fairgrounds Academy.

Nakatakda namang mapanood si Ruru sa upcoming romance drama with a touch of fantasy na The Write One.

Mula ito sa GMA Public Affairs at unang bunga ng collaboration ng GMA Network at leading pan-regional over-the-top (OTT) video streaming service Viu Philippines.

Makakatambal niya dito for the first time ang real life girlfriend at kapwa Sparkle star na si Bianca Umali.

SAMANTALA, SILIPIN ANG IBA PANG CELEBRITY MOTORCYCLE ENTHUSIASTS SA GALLERY NA ITO: