Celebrity Life

It’s double the love for Heart Evangelista on Valentine’s Day


Kaarawan ni Heart Evangelista (tunay na pangalan Love Marie Ongpauco) sa Feb. 14, Valentine’s Day, kaya doble ang selebrasyon para sa masuwerteng aktres at TV host.

Nakapanayam ng GMANetwork.com ang Kapuso sweetheart sa last taping ng Magkano ba ang Pag-ibig? noong January 27 at tinanong namin siya ng kanyang birthday wish.

“Sana magtuloy-tuloy lang ‘yong kasiyahan ko,” aniya.

Dagdag pa niya, “And that the people I have now in my life, I won’t lose any of them. This is who I am already for the rest of my life. I’d probably grow up more… Sana ‘yong mga taong nakilala ko na sa journey na ito, forever na sila sa buhay ko.”

Balak ni Heart at ng kanyang special someone na si Senator Chiz Escudero na pumunta ng Hong Kong para sa kanyang birthday.

“Mag-a-out of the country kami. I have two friends who are coming, Chiz is coming, and other friends are coming too,” masayang sinabi ni Heart.

Nangako rin siya na laging mag-a-update online, “It would be very fun! For sure, mag-a-upload ako sa Instagram.”

What would make her Valentine’s Day and birthday perfect?

“No work, fun. And it’s my birthday, so just being with people that I love. Since it’s my birthday, other people are busy eh, so pag kumpleto masaya.”

Sabay-sabay nating i-celebrate ang birthday ni Heart Evangelista bukas sa huling episode ng Magkano ba ang Pag-ibig? pagkatapos ng Villa Quintana, only on GMA Afternoon Prime.

Para sa updates tungkol kay Heart at sa paborito nyong shows at artista, bumisita lagi sa www.gmanetwork.com

--Text by Eunicia Mediodia, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com