Celebrity Life

Mikoy Morales shares his last memories of Roy Alvarez


February 11 noong pumanaw ang batikang aktor na si Roy Alvarez sa edad na 63 years old. Cardiac arrest ang naging sanhi ng biglaang pagkamatay ng Villa Quintana star.

Marami ang nalungkot sa pagkawala ni Roy lalo na ang mga katrabaho niya sa showbiz. Lalong ikinagulat ito ng kanyang co-stars sa Villa Quintana dahil kamakailan lang ay magkakasama sila sa taping ng nasabing show. Isa sa mga naging malapit kay Roy ay si Protégé Season 2 alumnus na si Mikoy Morales.

Kuwento ni Mikoy, laking gulat daw niya nang malaman ang balitang pumanaw na nga ang beteranong aktor. “Si Juancho (Trivino) ang nagbalita sa 'kin. Sabi niya, wala na si Tito Roy. Hindi ako makapaniwala kasi (during that time) I was getting ready for my role so siyempre hindi ko na muna inisip. Ang tagal nag-sink in sa 'kin. Biglaan eh! Sobrang biglaan,” aniya.

Dagdag pa niya, nagtataka raw siya dahil sobrang healthy daw ni Roy at kitang-kita raw niya ang pag-aalaga nito nang mabuti sa kanyang katawan. “He was really healthy, like he doesn't eat meat. Hindi siya nagyoyosi or whatever. He goes to the gym pa, okay pa 'yung katawan niya eh. Tapos biglang sa isang ganoon di ba? Nawala na lahat, ang saklap,” saad niya.

Ayon kay Mikoy, sobrang mami-miss niya raw ang beteranong aktor dahil siya raw ang isa sa mga nagpapasaya at nagpapagaan ng set during tapings. Hindi raw siya namimili ng taong pakikisamahan at lahat ng taong nasa paligid niya ay kinakausap niya.

“He was really open to us. Nakiki-level siya sa amin eh. Imagine mo siya tapos kaming boys nakapaligid sa kanya, tapos kuwento lang siya nang kuwento, tapos tawanan lang the whole time,” kuwento ni Mikoy.

Sa sandaling pagkakataong nakatrabaho ni Mikoy si Roy ay mayroon daw siyang hinding-hindi makalilimutan sa veteran actor. “Sobrang dami kong nahugot na widsom sa kanya. He's the classic role model of an aspiring actor or artist kasi he's very professional, he's very smart, he's really nice,” aniya.

Kuwento ni Mikoy, bago raw pumanaw ang aktor ay nag-promise ito sa kanya na huhulaan siya sa pamamagitan ng palm reading. Madalas kasing hinuhulaan ni Roy ang Villa Quintana stars tulad nina Janine Gutierrez at Elmo Magalona. Hindi raw nahulaan ni Roy si Mikoy dahil natitiyempo raw na busy sila sa taping ng Afternoon Prime show.

Ano ba ang laging maaalala ni Mikoy kay Roy? “Kapag sa villa 'yung location namin, tuwing aalis kami ni Juancho (ay tinatanong namin): Tito, may ipapabili po ba kayo? Lagi siyang nagpapabili ng Mentos, 'yung grapes, favorite niya 'yun.”

Patuloy na subaybayan si Mikoy Morales sa Villa Quintana, weekdays after Eat Bulaga on GMA Afternoon Prime. – Text by Al Kendrick Noguera, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com