GMA Logo Benjamin Alves Clenmt and Pambansang Virgin
Source: benxalves (Instagram), Clent and Pambansang Virgin (Facebook)
Celebrity Life

From titikman to reregaluhan? Batang fans ni Benjamin Alves, nakatanggap ng regalo mula sa aktor

By Jimboy Napoles
Published March 3, 2023 9:45 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - DOH on holiday health and emergency preparedness (Dec. 22, 2025) | GMA Integrated News
Cops foil delivery of suspected shabu, explosives in Ozamiz
Puto bumbong-inspired drink this Christmas

Article Inside Page


Showbiz News

Benjamin Alves Clenmt and Pambansang Virgin


Mula sa kanilang nag-viral na “Titikman” video, nakatanggap ng regalo mula sa Kapuso actor na si Benjamin Alves ang kanyang dalawang fans mula sa Cotabato City.

Proud na ibinahagi ng dalawang batang content creators na sina Clent at Brent John Raagas mula sa Pikit, Cotabato ang kanilang natanggap na regalo mula sa iniidolo nila na si Kapuso actor Benjamin Alves.

Sa larawan na ipinost nina Clent at Brent o mas kilala sa tawag na “Pambansang Virgin” sa kanilang Facebook page, makikita ang ipinadalang dalawang brand new cellphones at tablets ni Benjamin para sa kanila.

“Thank you so much kuya Benjamin Alves! We are so happy po kuya!” caption ng dalawa sa kanilang post.

Sa naturang post, agad naman na nagkomento ang Kapuso hunk actor.

“Enjoy you two. And study hard,” mensahe ni Benjamin sa kanyang dalawang fans.

Umami naman ng maraming positibong reaksyon mula sa netizens ang kabutihang loob na ginawa ni Benjamin para sa dalawa.

“Yey congratulations to the both of you, Clent and Pambansang Virgin, you guys deserve it. Thank you for giving them blessings Sir Benjamin,” mensahe ng isang netizen.

“What a thoughtful gesture!” saad naman ng fan.

“Benjamin Alves grabe ka talaga Doc. Migs love you!” dagdag pa ng isang fan.

Matatandaan na nag-viral kamakailan ang vlog nina Brent at Clent tungkol sa kanilang mga crush na aktor kung saan isa rito ang hunk actor na si Benjamin.

Samantala, muli namang mapapanood si Benjamin sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Magandang Dilag kung saan isa siya sa magiging leading man ng young comedienne-actress at beauty queen na si Herlene Budol.

SILIPIN ANG SEXY AND AESTHETIC PHOTOS NI BENJAMIN ALVES SA GALLERY NA ITO: