GMA Logo herlene budol
What's on TV

Herlene Budol, nagsuot ng prosthetics para sa 'Magandang Dilag'

By Jansen Ramos
Published February 25, 2023 10:27 AM PHT
Updated May 19, 2023 12:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Kevin Durant 8th to 31,000 points as Rockets sink Suns
#WilmaPH spotted over coastal waters of Sulat, Eastern Samar
This family weekend workshop features experts to elevate Filipinos' kitchen and dining holiday traditions

Article Inside Page


Showbiz News

herlene budol


Agaw-pansin ang pagsusuot ni Herlene Budol ng prosthetics para sa kanyang character sa upcoming GMA series na 'Magandang Dilag.'

Handa nang magpakilig ang bagong GMA onscreen partersn na sina Herlene Budol at Rob Gomez sa upcomig series nilang Magandang Dilag.

Ipinasilip nila ang ilan nilang sweet scenes sa programa sa Kapuso Month campaign video ng network na Love is Us Always & Forever.

Bukod sa kanilang mga nakakakilig na eksena, agaw-pansin ang pagbabago ng hitsura ni Herlene, na may suot ng prosthetics para sa kanyang character sa Magandang Dilag.

"Love is seeing the beauty within" ang isa sa tema ng campaign ng GMA ngayong love month, na swak naman sa kwento ng nasabing serye.

Mapapanood sa video na nagkagusto ang gwapo at matipunong karakter ni Rob sa isang babaeng makapal ang kilay at pangit na ngipin.

Mapapanood din sa Magandang Dilag sina Benjamin Alves, Maxine Medina, Bianca Manalo, Adrian Alandy, Angela Alarcon, at Jade Tecson.

Parte rin ng cast ng upcoming series ang mga batikang aktor na sina Sandy Andolong, Al Tantay, at Chanda Romero.

Ang Magandang Dilag ay launching series ni Herlene matapos pasukin ang pag-aartista nang mag-viral bilang Wowowin contestant noong 2019.

NARITO ANG CAREER HIGHLIGHTS NI HERLENE BUDOL: