Celebrity Life

Dion Ignacio says co-stars in ‘Innamorata’ are professionals


Inabangan ang pilot episode ng Innamorata nitong Lunes, February 17. Isa ang StarStruck alumnus na si Dion Ignacio sa cast at gagampanan niya ang loyal best friend ni Esperanza (Max Collins) na si Dencio. Una silang nagkasama noon sa The Good Daughter na pinagbibidahan naman nina Kylie Padilla at Rocco Nacino.

“Dito [sa Innamorata] mag-best friend kami, ang dami naming conversations together. Kababata ko siya, pero may lihim akong pagsinta sa kanya.. pero friends lang talaga,” pagbahagi ni Dion tungkol sa kanyang role.

Inamin ni Dion na nadadala siya sa magaling na pag-arte ni Max. 

Sabi niya, “Makikita mo kay Max na hindi siya si Max Collins kundi ‘yung character na ginagampanan niya.”

Nakasama na rin ni Dion ang Innamorata’s leading man na si Luis Alandy kaya hindi siya nahirapan na maka-eksena ang gaganap kay Edwin Manansala.

“Si Luis malalim, professional, ‘di siya nangangain ng karakter, nakawork ko na rin siya before,” paglarawan niya.

Kahit first time na makakatrabaho ni Dion si Gwen Zamora, nakagaanan niya kaagad ito ng loob. At pagdating sa gaganap bilang Gina, ang sexy actress na si Jackie Rice, humanga si Dion sa pagiging professional nito sa lahat ng oras.

“Si Jackie nag-guest kami sa Wagas, sobrang kumportable. Sobrang professional kahit nandoon ang boyfriend niya,” kwento niya.

Kaya naman nang malaman ni Dion na sila Gwen, Jackie, Max, at Luis ang mga makakatrabaho niya sa Innamorata ay walang sisidlan ang kanyang tuwa.

Ayon pa sa kanya, “Magaan silang katrabaho kaya feeling ko magiging maganda itong Innamorata. Walang ilangan tapos professional. Madaling ka-work at saka magagaling. Marami akong matututunan sa kanila.”

As for his character, ito ang kanyang masasabi: “Makakasiguro kayo na kakaibang Dion ang makikita ninyo. Ang target ko ‘di magiging kamukha ng acting ko sa Maghihintay Pa Rin o Magdalena ‘yung character ko rito,” ang pagtatapos ng Kapuso actor.

Panoorin si Dion Ignacio bilang Dencio sa Innamorata pagkatapos ng Villa Quintana. Para sa updates kay Dion at iba pang cast, mag-log on lagi sa www.gmanetwork.com. -- Text by Eunicia Mediodia, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com.