Celebrity Life

Julian Trono on Krystal Reyes: “Sobrang cute niya.”


Unang nagkakilala sina Julian Trono at Krystal Reyes sa isang workshop. Naging mas mabuti silang magkaibigan nang magkatambal sila sa Anna KareNina at marami ang nagsasabi na maganda ang chemistry nilang dalawa. Ano na kaya ang real score sa kanila?

Nakakuwentuhan namin si Julian Trono sa isang fan event ng GMA Artist Center. Ayon sa dancer-actor, pahinga muna siya ngayon sa Sunday All Stars.

Tinututukan daw niya ngayon ang pagpunta sa gym at pag-aasikaso sa mga summer workshops sa kanyang dance studio. Nabalitaan din naming na isa si Julian sa mga kalahok ng isang international dance competition.

Tila abalang-abala si Julian sa kanyang career. May panahon pa ba ang teen star para magkaroon ng love life? Natawa lamang si Julian nang tanungin namin siya nito kaya’t kinumusta na lamang namin ang pagkakaibigan nila ni Krystal Reyes.

Ayon kay Julian, “Okay naman kami. Actually, hindi kami masyadong nagkikita pero nagkakausap naman kami. I’m just waiting for our next show kung magkakasama kami. I think that should do. It’s now or never.”

Kabilang si Krystal ngayon sa GMA Telebabad series na Carmela: Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw, kung saan gumaganap siya bilang Janine. Mas mature na ang atake ni Krystal sa kanyang karakter kumpara sa mga nagampanan niya noon. Ano ang masasabi ni Julian sa panibangong image ni Krystal?

Hindi kinaila ng Kapuso heartthrob na natutuwa siya para kay Krystal. Bagay naman daw sa dalaga ang kanyang karakter. Natatawang dagdag niya, “Sobrang mature na niya actually, pero ‘yung voice niya talaga sobrang pambata. Laughtrip lang.”

Nangingiting sinabi ni Julian, “The best ‘yung voice niya and ‘yung cheeks niya na parang pinump. Sobrang cute niya.”

Masasabi ba niyang si Krystal ang kanyang ideal girl?

Sagot ni Julian, “For me, masasabi kong nahanap ko na ‘yung perfect girl kapag kinantahan ko na siya kasi hindi ko ‘yun usually ginagawa. Kapag lumabas na ako sa comfort zone ko, siya na iyon. Siguro kakanta ako ng Beautiful In My Eyes or kahit anong song na favorite niya.”

Matatandaang kumanta si Julian Trono para kay Krystal Reyes sa Anna KareNina live chat noong Setyembre. Narito ang link: AnnaKareNina Live Chat

Si Krystal nga kaya ang tinutukoy ni Julian? Para sa mga updates kina Krystal Reyes, Julian Trono at ng inyong mga paboritong Kapuso stars and shows, mag log-on sa www.gmanetwork.com.

-Text by Samantha Portillo, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com