GMA Logo viy cortez and cong tv
Courtesy: Viy Cortez (YouTube)
Celebrity Life

Viy Cortez, pinagbantay si Cong Velasquez sa sari-sari store habang tumatambay

By EJ Chua
Published March 6, 2023 11:38 AM PHT

Around GMA

Around GMA

VP Sara Duterte: Let’s build a more compassionate PH
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

viy cortez and cong tv


Sa halip na magalit, naisipan ni Viy Cortez na magsimula ng sari-sari store at pagbantayin dito ang partner niyang si Cong Velasquez habang tumatambay.

Kuhang-kuha ng couple vlogger na sina Lincoln “Cong TV” Velasquez at Viy Cortez ang kiliti ng kanilang million subscribers sa bago nilang vlog.

Kamakailan lang, no. 1 trending sa YouTube ang bagong vlog ni Viy tungkol sa madalas na pagtambay ni Cong sa labas ng kanilang bahay sa Congpound.

Ilang beses nang nahuli ni Viy si Cong na tumatakas para tumambay. Minsan ay bigla na lang nawawala ang huli sa tabi ng una at minsan naman ay kung saan-saan pa dumadaan ng vlogger para lang makalabas ng kanilang bahay.

Dahil hindi niya mapigilan sa paglabas ng bahay si Cong, nakaisip siya ng isang paraan kung paano raw magiging makabuluhan ang pagtambay ng kaniyang fiancee.

Nang mahuli niya ang kaniyang kasintahan na nakatambay pa sa labas kahit madaling araw na, sinorpresa niya si Cong.

Labis na nagulat si Cong nang isang cart ang ipinalagay ni Viy sa labas ng kanilang bahay at inayos nito ang ilang pagkain na ititinda raw ng una habang siya ay nakatambay.

Ang naturang vlog tungkol sa sari-sari store ni Cong na mapapanood sa channel ni Viy ay mabilis na nagtrending sa YouTube.

Sa kasalukuyan, mayroon na itong 1,551,380 views at mahigit 1, 700 comments.

Matatandaang 2008 pa nang magsimulang gumawa at mag-upload ng video ang 31-year-old vlogger na si Cong.

Makalipas ang ilang taon, naging matagumpay si Cong sa paggawa ng content sa YouTube, bagay na naipasa na rin niya sa kaniyang partner na si Viy at pati na rin sa kaniyang pamilya at mga kaibigan.

Ang engagement proposal ni Cong kay Viy ay naganap noong October 27, 2022 sa kanyang 31st birthday at araw ng binyag ng kanilang anak ni Viy na si Zeus Emmanuel o mas kilala bilang si Baby Kidlat. Ipinanganak ni Viy si Baby Kidlat noong July 2022.

SAMANTALA, SILIPIN ANG FATHER-AND-SON MOMENTS NI CONG TV AT NI BABY KIDLAT SA GALLERY SA IBABA: