Celebrity Life

Sino ang una sa puso ni Ken Chan?


Isa sa kinakikiligang Kapuso actors si Ken Chan dahil sa kanyang angking talento sa pag-arte, pag-awit at maging sa hosting. Ano naman kaya ang nagpapakilig kay Ken at sino ang una sa puso niya?

Nakapanayam namin ang young actor noong pictorial para sa 18th anniversary ng Walang Tulugan with the Master Showman, kung saan isa siya sa hosts.

Ayon kay Ken, napakalaki ng itinulong ng nasabing programa sa paghubog ng kanyang communication skills. Hinding-hindi rin daw niya makakalimutan ang mga payo sa kanya ni Kuya Germs.

Aniya, “Ang dami kong natutunan sa kanya. Everytime na nagkikita kami ni Tatay, sobrang dami niyang itinuturo sa akin. ‘Yung tipong kailangan kong magtipid, maging disiplinado sa lahat ng bagay- sa mga co-workers ko at sa sarili ko, sa oras at higit sa lahat, huwag makalimot sa pinanggalingan.”

Sa usapin naman ng pag-ibig, marami na ring natutuhan si Ken pero ngayon ay single daw siya. Ani Ken, “Ang focus ko ay trabaho, my family, my friends and my fans. Sila ang una sa puso ko.”

Dagdag niya, “Sa mga naging teleserye ko dito, sa mga napasukan kong projects, hanggang ngayon, pinaka memorable sa akin ‘yung suporta ng mga tao at ‘yung suporta ng mga fans ko. Dahil sa GMA kaya nagkaroon ng maraming nagmamahal sa akin and it means a lot to me.”

Kung sakaling may magpapatibok ng kanyang puso, ano-ano ang mga katangian na mayroon ang babae na ito?

“’Yung babaeng magmamahal sa akin sa kung ano ako, ‘yun po ang babaeng magpapasaya sa akin. Simple lang ako. Physically, tinitignan natin iyon, pero ako kasi ‘yung tipo ng lalaki na mas tumitingin sa ugali niya,” sagot ni Ken. Importante rin para sa kanya na family oriented, religious at matalino ang babaeng makakatuluyan niya.

Kapag nahanap na niya ang masuwerteng babaeng ito, paano niya ipaparamdam na may gusto siya rito?

“Ako ‘yung type ng lalaki na hindi nanliligaw. Never ko pa naalala na nanligaw ako. Bigla-bigla na lang kami na. Hindi ko sinasabi na manliligaw ako. Ipinapakita ko sa kanya na gusto ko siya at mahal ko siya,” sagot ni Ken.

Kasalukuyang napapanood si Ken Chan sa Rhodora X, gabi-gabi pagkatapos ng Carmela: Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw sa GMA Telebabad. Abangan din siya tuwing Sabado ng gabi sa Walang Tulugan with the Master Showman. Mayroon din siyang upcoming album under PolyEast records.

Para makatanggap ng updates, maglog-on lamang sa www.gmanetwork.com.

-Text by Samantha Portillo, Photo by Elisa Aquino, GMANetwork.com