Celebrity Life

Makipagkwentuhan online with Soul Princess Jonalyn Viray!


Kilalanin ang boses sa likod ng mga kanta na kabilang sa original soundtracks ng My Husband’s Lover, Rosalinda, Magkano ba ang Pag-ibig?, Darna, Mulawin at marami pang iba. Get to know more about Soul Princess Jonalyn Viray through the GMANetwork.com Live Chat this Thursday, February 27, 4 p.m. - 6 p.m. (Philippine time).

Bata pa lang si Jonalyn nang una siyang sumali sa mga singing contest. Noong 2005, hinirang siyang unang Grand Champion ng GMA talent search na Pinoy Pop Superstar. Nakatanggap na rin siya ng iba’t ibang parangal mula sa PMPC Star Awards for Music, Awit Awards at Aliw Awards.

Noong 2006, pinabilib niya ang mundo nang ipadala siyang kinatawan ng bansa sa World Championships of Performing Arts sa Hollywood, California kung saan nakakuha siya ng limang gold medals at tatlong championship plaques sa individual category.

Sumikat din ang all-female trio na kinabilangan ni Jonalyn, ang La Diva. Nakasama niya rito sina Maricris Garcia at Aicelle Santos.

Ngayong Biyernes, February 28, nakatakdang maganap ang kanyang "Fearless" concert sa Music Museum. Pero bago maganap ang kanyang major solo concert, makipagkuwnetuhan muna sa kanya online via GMANetwork.com Live Chat this Thursday, February 27, 4-6 p.m. (Philippine time). Log on to www.gmanetwork.com/livechat to know more about this exclusive event. 

-- Text by Meryl Ligunas, GMANetwork.com