Celebrity Life

'That definitely was my best Valentine's' - Rocco Nacino


Hindi na lingid sa kaalaman ng mga nakararami na nagkakamabutihan na sina Rocco Nacino at Lovi Poe. Unang nagsama ang dalawa sa GMA Afternoon Prime series naYesterday’s Bride, na sinundan naman ng GMA Telebabad series na Akin Pa Rin Ang Bukas. Sila na ba?

Nakapanayam namin si Rocco Nacino pagkatapos ng GMA Artist Center post-Valentine’s event sa isang unibersidad.

Ayon kay Rocco, nililigawan pa rin niya si Lovi at mas gusto niyang hintaying maging handa si Lovi na makipagrelasyon kaysa madaliin niya ang mga bagay-bagay.

Naibahagi rin niya na magkasama sila ni Lovi noong Valentine’s Day. Saglit lang daw silang nag-dinner ni Lovi dahil may guesting sila sa Eat Bulaga sa susunod na araw.

Ani Rocco, “Valentine’s was wonderful para sa akin. I haven’t been this happy. Although nung Valentine’s, I had to work. It was an early night for us, but then we had a good time. We had dinner, went to a bar, had a few drinks, sumayaw nang sumayaw at siguro doon kami napagod lalo.”

Dagdag niya, “That definitely was my best Valentine’s.”

“Mi amor” daw ang tawag niya kay Lovi, habang inaasar daw siya ni Lovi ng “JLo” at “Rocco Kahit Nacino”.

Itinanong din namin si Rocco kung ano ang Valentine’s gift niya kay Lovi.

Sagot niya, “I had the seat sa likod ng van niya taken out and nagpa-customize ako ng parang lazy boy couch na nagiging kama ‘pag ni-recline mo. ‘Yun ang naisip kong gift para sa kanya kasi magagamit niya sa taping niya, lalo na ngayon na magsta-start na siya sa bagong soap niya with Dingdong [Dantes] and Tita Maricel [Soriano].”

Hindi itinanggi ni Rocco na si Lovi ang nagpapasaya sa kanya ngayon. Ano ang pinakanagustuhan niya sa Kapuso actress?

Anang award-winning actor, “Her humor. That’s one thing that caught my attention ever since. Also how much we click together and that look she has when I talk to her. Nakikinig talaga siya and she’s really into the conversation. She’s always interested. All of that, lahat ng hindi nakikita ng camera kay Lovi, trine-treasure ko.”

Maganda at talented si Lovi kaya maraming nagkakagusto sa kanya. Hindi ba nagseselos o na-i-insecure si Rocco kung sakaling may mga ibang lumapit kay Lovi?

“Napakalakas ng dating ng babaeng iyan, kaya I don’t mind if people come up to her. Ako, alam ko na we’re that close na. I’m just being myself and I know she likes me for being how I am. Kahit hindi ako ganoon katangkad, hindi ako chinito o mestizo, kaya ko naman mag-stand out kahit papaano. I have my own little ways of impressing her,” aniya.

Dagdag ni Rocco,“So far, ipinapakita naman niya na interesado siya, so masayang-masaya na ako doon na kahit ganito lang ako, masaya siya.”

Kasalukuyang napapanood sina Rocco Nacino at Lovi Poe sa Sunday All Stars. Para makatanggap ng updates, mag-log on sa www. gmanetwork.com.

-Text by Samantha Portillo, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com