Celebrity Life

Mikoy Morales, ibinahagi ang ilan sa mga sikreto nila ni Juancho Trivino


Hindi man magkasundo ang karakter nina Mikoy Morales at Juancho Trivino sa afternoon prime soap na Villa Quintana, matalik na magkaibigan naman sila sa tunay na buhay. Para kay Mikoy, mas masaya ang pagti-taping sa Villa Quintana dahil kasama niya ang kaibigan na si Juancho.

Kuwento ni Mikoy pagdating sa trabaho, professional sila ni Juancho. “Hindi naman kami nagkakaproblema. At saka ang pinupuntirya naman [ng character ni Juancho] si Elmo ‘e so okay lang ‘yun.”

Kahit seryoso umano sila sa pagtatrabaho, hindi pa rin nila maiwasan na matawa sa ibang mga eksena. Ibinahagi rin ni Mikoy ang kanilang routine kapag nasa set. Kadalasan ay hinihintay pa umano siya ng kanyang kaibigan hanggang sa matapos ang kanyang mga eksena.

“Kapag nagkakataon na parehas kami ng location usually naghihintayan talaga kami. 'Sige hintayin kita', yung tipong 9 PM pack up na pero sige pag ganitong oras 'di ka pa tapos alis na ako ha? Pero tatawad pa rin 'sige 1 AM nalang', lalo na pag nandiyan si Abel [Estanislao],” natatawang kuwento ni Mikoy.

Hindi nagpapigil sa pagkuwento ng sikreto si Mikoy, kaya’t ibinahagi niya sa GMANetwork.com ang isa sa mga kakaibang gawain ni Juancho sa set.

Aniya, kahit sabay sila nagwoworkout ni Juancho, siya rin naman umano ang sumisira ng diet niya. “Sobrang kain kami ng kain kapag magkakasama kami. As in maya't-maya nagpapabili kami ng chips at junk food.”

“'Eto bubukingin ko siya. Kapag mag-serve na ng food tapos bibigyan kami ng plates, sasabihin niya 'isa pa po para sa kasama ko'. Wala naman talaga siyang kasama or nabigyan na 'yung kasama niya. Tapos babalik pa ulit 'yun hihingi pa ulit. Sobrang lakas niyang kumain,” natatawang paglalahad ni Mikoy.

Abangan sina Mikoy Morales at Juancho Trivino sa Villa Quintana, Monday to Friday pagkatapos ng Eat Bulaga. Para sa iba pang updates mula sa inyong mga paboritong Kapuso stars, mag-log on sa www.gmanetwork.com

-Text by Maine Aquino, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com