GMA Logo Klea Pineda
Photo by: kleapineda (IG)
Celebrity Life

Klea Pineda, emosyunal na ikinuwento ang 'best' at 'worst' sa pagiging artista

By Aimee Anoc
Published March 19, 2023 4:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Klea Pineda


Ano-ano nga ba ang itinuturing ni Klea Pineda na "best and worst" sa showbiz?

Simula nang tanghaling Ultimate Female Survivor ng StarStruck Season 6, niyakap na rin ni Klea Pineda ang mundo ng showbiz.

Para sa aktres, "mahal na mahal" niya ang trabaho bilang isang artista kung saan nakapagpapasaya at nakapagbibigay inspirasyon siya sa maraming tao. At isa ito sa itinuturing niyang "best part" ng pagiging isang aktres.

"Gustong gusto ko na nakapagpapasaya ako ng maraming tao, sa mga mall tours nakikita ko 'yung mga fans and, siyempre, masayang masaya ako kapag nakakapag-portray ako ng iba't ibang klaseng roles and characters in front of cameras," kuwento ni Klea sa "Updated with Nelson Canlas."

"The fame and money nasa pinakababa na ng list 'yun e. Parang mas gusto kong mabigyan ka ng karangalan dahil sa pag-arte mo, 'yun 'yung gusto kong ma-achieve sa career life ko rito sa industry."

Sang-ayon si Klea na hindi sa lahat ng pagkakataon ay puro "wine and roses" ang journey sa showbiz, lalo na sa kanya na nagsimula sa isang reality talent competition.

"Ang hirap po from scratch na nag-start ka, for example ako sa StarStruck nahirapan ako roon. Very grateful and thankful naman ako sa GMA Network kasi hindi naman nila ako pinapabayaan talaga, na every year talaga hindi nila ako kinakalimutan na mabigyan ng projects, 'yung trust na ibinibigay nila sa akin. Siguro 'yung battle lang na mayroon ako 'yung sa sarili ko lang na, 'Ah kaya ko ba talaga 'to?" sabi ng aktres.

Ayon kay Klea, napagdaanan niyang pagdudahan ang kakayahan bilang isang artista. "Sometimes kasi dina-doubt ko 'yung sarili ko na baka hindi nabigay sa akin itong role na 'to kasi not enough, may mga ganoong questions sa sarili."

Dagdag niya, "May times na ang taas ng confidence level ko but then may days pa rin na ang bigat isipin na, 'Ah baka kaya hanggang ngayon hindi pa ako sobrang satisfied and happy sa nangyayari sa career ko dahil din fault ko."

Naging challenge din para kay Klea ang kompetisyon kung saan tulad niya ay marami rin ang nangangarap na makilala sa industriyang ito.

"Out of StarStruck world, nagulat talaga ako, as in parang na-culture shock ako, 'Oh my God, ganito pala kalaki 'yung mundong gagalawan ko.' Akala ko it's all about glitz and glam, na ang saya-saya lang parati na maging artista--photoshoot dito, photoshoot diyan, taping ka rito, lahat happy lang.

"But then no, kailangan matatag talaga 'yung puso mo and alam mo sa sarili mo kung bakit mo talaga gusto 'tong ginagawa mo, itong trabahong 'to, and maging parte ng industry na 'to. Kasi always kong iniisip talaga and mina-mindset ko talaga as if na, 'Show business is not for the weak.' Kailangan lahat ready ka."

Bukod dito, idinagdag din ni Klea ang pagharap sa hindi magagandang post at komento tungkol sa iyo sa social media.

"Hindi ko siya ini-entertain kapag may nabasa na akong hindi nagustuhan, kahit isa lang na nakita ko ayoko na, hindi ko na titignan 'yung post na 'yun kasi hindi siya makakatulong sa akin. Papatol at papatol ka kasi if in-accept at in-absorb mo 'yung negativity na ibinibigay nila sa 'yo. It shows e, lalabas at lalabas sa 'yo 'yun, papatol at papatol ka, and after nu'n pagsisisihan mo na, 'Oh my God, bakit ko pinatulan?'

"Ang ine-expect nila from us para tayong robots na kaya nating tanggapin lahat ng words na kahit masasakit na, lahat below the belt na 'yan, kahit public figure ka, 'Public figure ka, tanggapin mo na may mag-iinvade talaga sa space o privacy mo.' May ganu'n silang mindset, may ganu'n silang thinking kaya minsan iniintindi ko na lang talaga.

Ayon kay Klea, simula nang maging artista siya ay nalaman din niya ang kahalagahan ng privacy.

"Pagka-artista pala mawawalan ka talaga ng privacy, halos lahat ng aspeto at angles ng life mo talagang malalaman at malalaman nila kung gugustuhin nila kahit years ago pa 'yung post mo, makikita at makikita nila sa social media.

"Privacy for me sa show business, importante siya sa akin kasi hindi dapat lahat, hindi porke't public figure ka, lahat ipapaalam mo na sa buong mundo. Depende na lang din sa 'yo kung ano 'yung choice mo na ipaalam sa kanila. Siguro masasabi ko lang na nai-invade 'yung privacy ko pagka-naaapektuhan na 'yung family ko.

"Okay lang sa akin na ako na 'yung pagpiyestahan niyo sa social media, huwag n'yo lang ime-mention o idadamay 'yung pamilya ko, 'yun lang 'yung poprotektahan ko talaga, at all cost."

Pakinggan ang buong interview ni Klea Pineda sa "Updated with Nelson Canlas" dito:

Samantala, patuloy na subaybayan si Klea bilang Gwen sa Arabella, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

TINGNAN ANG ILANG ASTIG LOOKS NI KLEA PINEDA SA KANYANG MOTORSIKLO SA GALLERY NA ITO: