GMA Logo Klea Pineda
Photo by: kleapineda (IG)
What's Hot

Klea Pineda, gustong sumabak sa action series

By Aimee Anoc
Published March 19, 2023 2:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Klea Pineda


Isa sa dream role ni Sparkle actress Klea Pineda ay ang sumabak sa isang action series, na malapit sa kanyang personalidad.

Marami ang pinahanga ni Klea Pineda sa "nakakaawa" niyang role bilang Clarisse sa afternoon series na Magkaagaw noong 2019.

Sunod naman siyang kinainisan bilang Golden Eye sa sports drama series na Bolera at ngayon sa drama series na Arabella bilang Gwen.

Sa interview sa "Updated with Nelson Canlas" podcast, sinabi ni Klea ang isa pa sa dream role niya bilang isang aktres. Ito ay ang bumida sa isang action series kung saan aniya ay malapit sa personalidad niya sa tunay na buhay.

"Actually, iyon 'yung number one sa wish list ko na mga role na ma-try ko, na maibigay sa akin. Sana talaga mabigyan ako ng chance na mag-portray ng action series or action film in the future. "Why not? Kasi very malapit siya sa personality ko talaga in real life," kuwento ng aktres.

Dagdag niya, "Syempre, naririyan kung bakit ako nag-aaral ng skills ko sa motorbike. Syempre, 'yung physically fit dapat. 'Yung mga ganyang bagay kino-consider ko rin bago mabigay sa akin ang character na 'yon. Kung anong kailangan nila, I'll do my best talaga para mabigay sa akin 'yung ganoong klaseng role."

Para sa mga hindi nakaaalam, isa ang motorbike sa sports na kinahihiligan ni Klea. Nagsimula ang pagkahilig niya rito noong 2020 nang payagan siyang mag-motor sa publiko ng kanyang mga magulang.

Pakinggan ang buong interview ni Klea Pineda sa "Updated with Nelson Canlas" dito:

Samantala, patuloy na subaybayan si Klea bilang Gwen sa Arabella, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

TINGNAN ANG ILANG ASTIG LOOKS NI KLEA PINEDA SA KANYANG MOTORSIKLO SA GALLERY NA ITO: