Celebrity Life

Caridad Sanchez on Alden Richards: 'May brillo siya!'


Nakipagkuwentuhan ang veteran actress na si Caridad Sanchez sa GMANetwork.com last February 19, 2014 sa set ng The Borrowed Wife.

Gumaganap bilang Seling, ang tapat na naglilingkod kay Earl (TJ Trinidad), sa story ng The Borrowed Wife ang veteran actress.

Sa aming kuwentuhan, ipinagmalaki niya ang Carmela leading man na si Alden Richards. Matatandaang sa One True Love sila unang nagkatrabaho ni Alden.

“He [Alden Richards] started his career sa One True Love. That one is his best,” buong paghangang sabi ng veteran actress tungkol sa Kapuso hunk actor.

Mabait at down to earth si Alden ayon sa veteran actress. Bukod dito, nagsilbi rin siyang inspirasyon para mapaganda ang mga eksena nila.

“Ang bait ng batang ‘yon. Ang dali niyang turuan. He inspires me to do a beautiful scene,” aniya.

Sa pagganap ni Alden bilang Tisoy sa One True Love, lalong napansin ang kanyang kakaibang galing sa pag-arte. 

Kayang makipagsabayan ni Alden pagdating sa mga iyakan, “Unahan mo ng acting  na may ‘aray’, sumasabay iyan. Ang dali niya turuan. Bigyan ko lang siya ng konting luha may isasagot din siyang luha,” buong paghangang kuwento ng veteran actress.

Dagdag pa niya, “Ang husay, may brillo siya!”

Malapit sa puso ng veteran actress ang aktor. Sa katunayan, “he’s like my apo. He listens to my advice.”

Ayon sa kanya, nilalapitan siya ni Alden kapag kailangan nito ang payo niya at feedback sa shows na kanyang ginagampanan kasama na rito ang current show ni Alden, ang Carmela: Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw. 

“He wants me to watch [Carmela] and get my feedback,” aniya.

Tunay ngang malayo pa ang mararating ni Alden sa mundo ng showbiz dahil sa kanyang natatanging galing.

At kung sakali man,“I’m not saying he’s not doing well. He’s such a good actor. If Alden fails, give him another project, another chance. He should be given another opportunity. Huwag nila [siyang bitawan].”

Panoorin ang veteran actress na si Caridad Sanchez sa The Borrowed Wife pagkatapos ng Innamorata sa GMA Afternoon Prime.

Para sa updates tungkol sa cast ng The Borrowed Wife, bumisita lagi sa www.gmanetwork.com. -- Text by Eunicia Mediodia, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com.