Celebrity Life

Steven Silva on relationships: 'It takes two'


“May mga times na kunyari may na-meet ako na girl and we text, we go out for a few times, tapos after a while parang nawala. Biglang nawawala.”

Kinuwento ito ni Kapuso heartthrob Steven Silva kina Camille Prats at Suzi Abrera sa isang episode ng Mars na may topic na ‘Isang Linggong Pag-ibig.’

Nang itanong ng dalawang hosts sa binata ang madalas na rason kaya biglang nawawala ang interaksyon. Sinagot ni Steven na may isa sa kanila na tumitigil na lang mag-text.

“Either she stops texting or I stop texting. Ayun, after that, wala na… Getting to know stage, then after that, parang di kami natuloy,” sagot niya.

Baka raw sa gitna ng pakikipagkilala ay nag-iiba ang interes ng isa sa kanila o ng parehong panig. Dahil doon, importante raw ang communication at ang pagtutulungan ng dalawa.

“It takes two [talaga] eh,” paliwanag ni Steven.

Tingin din niya, hindi dahil matagal na ang isang relationship ay matatag na ang pundasyon nito.

“Di naman ibig sabihin na matagal 'yung relationship niyo, it’s a good relationship. Some people judge it na ‘O, matagal na kayo, three years, five years.’ Hindi naman ibig sabihin na perfect 'yung relationship niyo or happy kayo,” sabi ng aktor.

Ang solusyon daw rito ay kailangang mag-effort ang dalawa. “Hindi pwede 'yung isang tao magpu-push ng relationship and 'yung isa, parang wala lang. You have to meet [half-way],” aniya.

-- Text by Meryl Ligunas, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com, Interview by Mars