Celebrity Life

Kilig 101: Tips from Jeric Gonzales


Iba't ibang paraan ang ginagawa ng mga lalaki para pakiligin ang kanilang mga special someone.

Paano naman ang style ni Paraiso Ko’y Ikaw star Jeric Gonzales?

Wala man siyang special someone ngayon, ibinahagi niya pa rin ang isa sa mga ginawa niyang surprise noon para sa babaeng kanyang napupusuan.

Aniya, pinaghahandaan niyang mabuti ang kanyang bawat galaw para dito.

“Marami akong kasabwat na mga tao para mas magandang lumabas yung surprise. For example, yung pinsan ko yung magyayaya sa girl tapos hindi ako magpaparamdam. Kunyari wala akong pakialam, pero pagdating doon, ako pala yung nagyaya sa kanya. So ganoon makikita niya talaga na surprise talaga,” kuwento niya.

Aniya, ang surprise na ‘yun ay may kakaibang twist. Mayroon umano silang hindi pinagkakasunduan kaya’t naisipan niyang gumawa ng paraan para magkaayos na sila.

“Siguro mga one week na kaming walang communication tapos magkagalit talaga kami.
Then dumating na ‘yung day before Valentine's parang napag-isip ko na 'eto na ‘yung time na magbati kami and ako talaga ‘yung mag-initiate so sakto talagang Valentine's. Nag-isip ako ng way, so ‘yun nga sinabi ko yung about sa pinsan ko na surprise. Parang sabi ko, ikaw ‘yung tumawag sa kanya. Pero di niya alam na dadalin mo siya sa akin,” paglalahad ni Jeric.

Ayon kay Jeric, ito ang pinaka-sweet na ginawa niya for a special girl. Pagdating umano ng kanyang special someone, nagulat ito sa kanyang sweet gesture.

“Bumili ako ng flowers, bumili ako ng mga pagkain. Tapos, nagpa-develop ako ng mga pictures namin. Then, may stuffed toy pagdating niya roon gulat na gulat siya.”

Nakakatuwa namang ikinuwento ni Jeric na hindi lang siya ang may surprise. Lingid sa kanyang kaalaman, ang kanyang special girl ay may inihanda rin pala para sa kanya.

“Meron din siyang gift sa akin. Jersey at saka watch. Nagulat din ako kasi may bibigay din pala siya na dapat ipapaabot niya sana sa pinsan ko. Parang gusto niya din talaga [makipagbati]. Di niya ako nakalimutan sa Valentine's. So ayun, nagulat rin ako,” saad niya.

Para sa iba pang updates mula kay Jeric Gonzales at iba pang Kapuso artists, patuloy na mag-log on sa www.gmanetwork.com.

-Text by Maine Aquino, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com