Celebrity Life

'Gusto kong mapatunayan na I deserve this project' - Kambal Sirena's Louise delos Reyes


Ipinakita na ng young Kapuso leading lady na si Louise delos Reyes ang kanyang kakayahan sa pag-arte sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan.

After playing lead roles in Alakdana, One True Love, and Mundo Mo'y Akin, papatunayan niya ngayon na karapat-dapat siya sa roles na Alona at Perlas sa bagong programa ng Kapuso network na Kambal Sirena.

Good pressure daw ang nararamdaman ng dalaga ngayong papalapit na ang pag-ere ng kanyang show. Naging puspusan din ang kanyang paghahanda para sa kanyang mermaid character na si Alona, at sumailalim pa siya sa swimming and diving lessons with Jess Lapid, Jr.

"Good pressure siya, para mas magawa ko nang maayos ang mga ginagawa ko. Nape-pressure ako in a way na gusto kong ma-meet 'yung expectations nila sa akin since sa akin ibinigay 'tong malaking project na ito. Gusto kong mapatunayan na I deserve this project," pahayag ni Louise.

Aniya, gusto rin niyang patunayan sa sarili niya na karapat-dapat siya sa roles na Alona at Perlas kahit pa raw mahirap gampananan ang pagiging kambal. "[Dapat] maipagmi-meet ko 'yung gusto ng bawat isa, 'yung acting nila dapat synchronized pa rin. Dapat kahit papaano may resemblance sila sa isa't isa dahil twins sila, pero 'yung pagkakaiba dapat makita rin."

Between the two characters, kanino mas nakikita ni Louise ang sarili niya?

"Pareho silang malapit sa akin kasi parang ako lang 'yan na hinati. Ako kasi ang tipo ng tao na puwede mo akong ilagay sa maraming tao, puwede mo rin akong iwan mag-isa.
So may isang character doon na loner, mahiyain, mahina ang loob. Ganun ako minsan, pinanghihinaan ako ng loob, tahimik ako, gusto ko mag-isa lang ako. Pero may iba namang side ako na outgoing, gusto kong makipag-mingle sa mga tao, I'm very loud, I talk a lot."

Abangan ang paglangoy ni Louise delos Reyes sa Kambal Sirena, ngayong Marso na sa GMA Telebabad.  - Text by Michelle Caligan, Photo by Elisa Aquino, GMANetwork.com