Celebrity Life

Solenn Heussaff - actress, host and restaurateur


Sobrang busy man ang Kapuso artist na si Solenn Heussaff, nakakapagbigay pa rin siya ng panahon sa iba’t ibang bagay. Nariyan ang pakikipag-bonding sa kanyang pamilya at mga kaibigan, at nariyan din ang pag-aasikaso sa negosyo kasama ang kanyang kapatid na si Erwan Heussaff.

Ibinahagi ni Solenn na natuwa siya nang malaman niya na ang kanyang showbiz friends ay may business din. “We share ideas. Hindi naman sila nagnanakaw ng ideas so it's a very trusting company,” saad niya.

Ikinuwento rin ni Solenn ang kanyang mga ginagawa upang maibalanse ang career sa showbiz at negosyo.

“’Yung business ko hands-on naman ako pero may ibang tao naman assigned on the paper works. Ako, I just check on it once in a while. Nandoon naman din ‘yung brother [Erwan Heussaff] ko na sobrang hands-on, na marunong siya talaga with the whole cooking thing.”

Ipinahayag naman ni Solenn na maganda ang takbo ng negosyo nila ng kanyang kapatid. Aniya, “Open na for a few months, laging full.”

Bukod sa restaurant nila ni Erwan, gusto pa rin ni Solenn na magtayo ng isa pang negosyo.

“Siguro this year baka mag-open ng made to order pero ‘yun dapat doon sobrang hands-on. So tingnan natin sa schedule.”

Patuloy na subaybayan si Solenn Heussaff sa Taste Buddies at Adarna.

Para sa updates tungkol kay Solenn Heussaff at iba pang Kapuso artists, mag-log on sa www.gmanetwork.com.

-Text by Maine Aquino, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com