Celebrity Life

Chito Miranda, gandang-ganda pa rin sa asawa niyang si Neri Naig

By Aaron Brennt Eusebio

Mahigit isang dekada nang nagsasama sina Chito Miranda at Neri Naig ngunit gandang-ganda pa rin ang bokalista ng bandang Parokya ni Edgar sa kaniyang asawa.

Sa Instagram, inamin ni Chito na minsan ay natutulala pa rin siya tuwing tinitingnan niya ang asawang si Neri.

Aniya, "Minsan napapatitig nalang ako sa asawa ko while she's busy doing something, tapos sasabihin ko, 'ang ganda naman ng asawa ko!'"

"Tapos sasabihin niya, 'Nye, inlab (in love) ka lang talaga sa akin.' Totoo din naman. Inlab na inlab din naman talaga ako sa kaniya at gandang ganda talaga ako sa kaniya kahit nakapambahay lang siya at di naka-ayos.

"Kahit nga tulog sya't nakanganga, gandang ganda pa rin ako sa kaniya e. Well...hindi siguro 'gandang-ganda,' pero nagagandahan pa rin ako sa kaniya kahit wa-poise siya matulog minsan."

"Pero sa totoo, gandang ganda talaga ako sa kaniya kahit di ko siya mahal or kahit di ko siya asawa."

Dagdag ni Chito, kahit nasa grocery sila ay napapatitig siya bigla kay Neri dahil sa sobrang ganda nito.

"Minsan nga, nasa mall or grocery kami, napapatingin talaga ako kasi may magandang babae... 'yun pala si Neri Naig from Star Circle Quest (at mas maganda pa siya ngayon kesa dati)."

Nagpakasal sina Chito at Neri noong 2014. Isinilang ni Neri ang kanilang unang anak noong Novmber 2016, at ang kanilang ikalawa naman noong October 2021. Nasa proseso na rin sila ng pag-aampon sa pamangkin ni Neri.

TINGNAN ANG ILANG LARAWAN NG ANAK NINA CHITO AT NERI NA SI MIGGY DITO: