
Simple lang daw ang naging rason ni Paolo Contis kung bakit siya na-in love sa kanyang girlfriend, ang aktres na si Yen Santos.
Ito ay inilahad ng Bubble Gang comedian at Just In host na si Paolo Contis sa interview niya sa Updated with Nelson Canlas podcast kamakailan.
"Ako, sobrang simpleng bagay lang yan, when the whole thing started, the whole crucifixion started, there was a time or there was every opportunity, she had every opportunity to tell me or to leave, but she stayed,” pahayag ni Paolo.
Dagdag pa ng aktor, “Ang laki-laking bagay kasi nung mga time na 'yon, pinag-uusapan namin 'yon--na mahirap, yes, nagkaroon pa nga ng time na nag-ano siya sa social media, hiatus. Pero she did everything she can to not get affected as long as, kumbaga, nakakapag-usap kami and okay kami.”
Kaugnay nito, inamin rin ni Paolo na noong nagkaroon siya at dating niyang girlfriend, na si LJ Reyes, ng issue ay “wrorst time” para pumasok siya sa bagong relasyon. Gayunman, malaki ang pasasalamat niya dahil nanatili sa tabi niya si Yen.
“Ako, hindi mo ba mamahalin 'yon? During that time that some of my friends, some of the people who actually believed me were leaving, someone stayed,” sabi ng aktor.
At nang tanunging siya kung worth it ba ang pinasok nilang relasyon ni Yen, ang sagot ni Paolo ay “Yeah. Nung lahat palayo, siya palapit.”
Pakinggan ang kabuuan ng interview rito:
Matatandaan na kinumpirma ni Paolo ang relasyon niya sa aktres sa January episode ng Fast Talk with Boy Abunda pero nilinaw din ng aktor na hindi si Yen ang dahilan ng hiwalayan nila ni LJ Reyes, ang nobya niya noon.
Lahad ng aktor, “Sa amin kasi [ni Yen], what you see is what you get. Hindi namin puwedeng ipilit sa mga tao to be happy for us. Hindi namin puwedeng ipilit sa mga tao na [huwag] paniwalaan ang mga gusto nilang paniwaalan. Sana isipin nila na kung ano ang nakikita nilang post, 'yun lang ang truth na alam nila.”
Kwento niya naman tungkol kay LJ, “One of my biggest mistakes was hindi ko inalala 'yung mental health ni LJ. Isa 'yun sa feeling ko na naging simula ng downfall namin.”
SAMANTALA, TINGNAN DITO ANG SIMPLE PERO STUNNING LOOKS NI YEN SANTOS: