What's on TV

Paolo Contis confirms relationship with Yen Santos

By Jimboy Napoles
Published January 30, 2023 5:23 PM PHT
Updated January 31, 2023 11:35 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NCAA: Arellano braves through 2OT vs. Mapua to clinch Juniors basketball finals ticket
'Wilma' weakens into LPA near Cataingan, Masbate
XG's Cocona undergoes top surgery, comes out as AFAB transmasculine non-binary

Article Inside Page


Showbiz News

Paolo Contis, Yen Santos, LJ Reyes


Kinumpirma ni Paolo Contis ang relasyon nila ni Yen Santos pero nanindigan itong walang kinalaman ang aktres sa paghihiwalay nila ni LJ Reyes.

Matapos ang mga spekulasyon tungkol sa bagong relasyon ni Paolo Contis, kinumpirma ngayon ng aktor sa Fast Talk with Boy Abunda na girlfriend niya na ang aktres na si Yen Santos pero nanindigan ang aktor na walang kinalaman ang aktres sa hiwalayan nila ng ex-partner niya na si LJ Reyes.

Sa part 2 ng interview ni Boy Abunda kay Paolo, direktang tinanong ng batikang TV host kung may kinalaman ba si Yen sa hiwalayan nila ni Yen.

“Si Yen Santos ba talaga ang dahilan ng paghihiwalay niyo ni LJ?,” tanong ni Boy.

“Hindi,” mabilis na sagot ni Paolo.

Ayon sa aktor, matagal na silang hindi nagkakasundo ni LJ bago pa man humantong sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

Kuwento niya, “Somehow medyo matagal na kaming hindi okay ni LJ pero we were together of course. Napapadalas 'yung away [namin]. I think it's a combination na ng stress sa pandemic and everything.”

Aminado rin si Paolo na nagkamali rin siya nang hindi niya inintindi ang mental health ni LJ sa kanilang pagsasama.

Aniya, “One of my biggest mistakes was hindi ko inalala 'yung mental health ni LJ. Isa 'yun sa feeling ko na naging simula ng downfall namin.”

Matapos ito, tinanong naman ni Boy kung talagang girlfriend na ni Paolo si Yen.

“As a friend?,” birong sagot ni Paolo.

“Umayos ka. Is she your girlfriend?,” banat at muling tanong naman ni Boy.

“Yes,” malinaw na sagot ni Paolo.

Paglalahad pa ni Paolo, “Sa amin kasi [ni Yen], what you see is what you get. Hindi namin puwedeng ipilit sa mga tao to be happy for us. Hindi namin puwedeng ipilit sa mga tao na [huwag] paniwalaan ang mga gusto nilang paniwaalan. Sana isipin nila na kung ano ang nakikita nilang post, 'yun lang ang truth na alam nila.”

Matatandaan na Setyembre taong 2021, mabilis na pinag-usapan ang kontrobersyal na hiwalayan nina Paolo at LJ. Nagsimula ito nang mapansin ng ilang netizens na binura na ng aktor ang lahat ng larawan ng aktres sa kanyang Instagram.

Matapos ito, inamin naman ni Paolo sa pamamagitan ng isang Instagram post na totoong hiwalay na sila ng aktres. Sa naturang post, binanggit din ng aktor na may pagkakataong hindi siya naging tapat sa anim na taong pagsasama nila ni LJ pero pinabulaanan niya ang balitang may kinalaman ang aktres na si Yen sa nangyari.

Samantala, ilang araw matapos ang break-up ng dalawa, nagpaunlak din noon ng panayam si LJ sa The Boy Abunda Talk Channel sa YouTube. Dito ay ibinahagi ni LJ na hindi “mutual” ang naging desisyon ng paghihiwalay nila ni Paolo.

Sa ngayon, kasalukuyang naninirahan sa Amerika si LJ kasama ang kanyang dalawang anak na sina Ethan Akio, anak nila ni Paolo na si Summer Ayana, at ang kanyang pamilya.

Bukod kay LJ, may dalawang anak din si Paolo sa dati niyang asawa na si Lian Paz, sina Xalene at Xonia. Sa ngayon, si Lian ay engaged na sa kanyang longtime boyfriend na si John Cabahug.

Para sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

BALIKAN ANG RELATIONSHIP TIMELINE NINA PAOLO AT LJ SA GALLERY NA ITO: