Celebrity Life

Glaiza De Castro, thankful sa emotional support mula kay David Rainey

By Kristian Eric Javier

“Para kaming magtropa.”

Ganyan inilarawan ng The Seed of Love actress na si Glaiza De Castro ang relasyon niya sa asawang si David Rainey. Bukod pa dito, sinabi rin ng aktres na meron silang “soul connection” ng kanyang hubby.

“'Yung parang alam mong parang matagal ko nang 'tong kilala 'tong tao na 'to. Like 'yung humor niya, pasok sa humor ko, 'yung thinking niya, the way he thinks, very practical, ako very emotional, so pasok din kami,” sabi ni Glaiza sa interview niya sa online entertainment show na Marites University.

Ibinahagi rin ni Glaiza na ang pinakagusto niyang binibigay ni David sa kanya ay emotional support, at sinabing isa ito sa mga pinaka-importante sa mag-partner.

“Parang andun na siyempre financial support, nandiyan na 'yung moral support, pero 'yung emotional support, especially sa akin, sa trabaho ko,” sabi ng aktres.

Sinabi din ni Glaiza na kahit minsan ay “nate-teleserye acting” na niya ang asawa, ay kalmado pa rin ito at supportive sa kanya.

“'Yung paluha na'ko. May mga ganun talaga na akala ko, sa teleserye, walang magagawa, pero may mga times talaga na nagagawa ko 'yun sa kanya na 'hala bakit ganito 'yung feelings ko?'” sabi ng aktres.

“Hindi ko nga alam kung na-i-imbibe ko lang ba siya, or talagang sa tagal ko na ring umaarte din,” dagdag pa nito.

Ayon sa bida ng The Seed of Love, sa tuwing nararamdaman na niya na sasabog na siya ay tinatanong niya si David kung puwede nila pag-usapan sa ibang oras, at pumapayag naman ito.

“Ayoko kasi makapagsabi ng hindi maganda lalo na kapag 'yung pataasan na kayo ng boses. Calmly naman, hindi naman kami nagsisigawan, 'di pa naman kami dumating sa punto na yung eksena e sigawan. 'Yung ano lang, arguments, simpleng sagutan, tapos paikot-ikot na kayo,” dagdag pa nito.

Pagbabahagi din ni Glaiza ay hindi sila pareho madali magselos ni David, at sinabing importante sa relasyon nila ang tiwala, lalo na at nasa Ireland ito habang nandito siya sa Pilipinas.

“Kasi long distance kami, so at the very beginning, 'yung trust talaga nandun e. Naselyuhan na namin 'yung tiwala kasi ang tagal mawawala e,” sabi ng aktres.

SAMANTALA, BALIKAN ANG RELATIONSHIP TIMELINE NINA GLAIZA AT DAVID SA GALLERY NA ITO: