Celebrity Life

Zoren Legaspi posts sweet birthday message for wife Carmina Villarroel

By Maine Aquino

Isang sweet na birthday message ang inihanda ni Zoren Legaspi para sa kaniyang asawa na si Carmina Villarroel.

Ngayong Huwebes, August 17, ay ang kaarawan ng Abot Kamay na Pangarap at Sarap, 'Di Ba? star na si Carmina.

PHOTO SOURCE: zoren_legaspi

Ipinost ni Zoren ang isang short video ni Carmina at ang kaniyang mensahe sa kaniyang Instagram account.

Ani Zoren, "Happy Birthday to my better half @mina_villarroel"

Dugtong pa niya, "If I can't bring you to the moon… I WILL BRING THE MOON TO YOU. thank you @cassy @mavylegaspi. #Pag-ibig

Isang post na ibinahagi ni zoren_legaspi (@zoren_legaspi)

RELATED GALLERY: Carmina Villarroel's birthday episode in 'Sarap, 'Di Ba?'


Isang sweet thank you message naman ang isinagot ni Carmina sa Black Rider star na si Zoren.

Saad ni Carmina, "😍awwww. Thank you so much tatay. So sweet! Arf Arf 💙 @zoren_legaspi"

Kamakailan lang ay nag-celebrate din ng birthday si Carmina sa Sarap, 'Di Ba?. Narito ang behind the scenes ng kaniyang birthday episode nitong Sabado, August 12.

Happy birthday, Carmina!

Abangan si Carmina sa Abot Kamay na Pangarap at Sarap, 'Di Ba? sa GMA Network. Mapapanood naman si Zoren sa Black Rider na ipapalabas soon sa GMA Telebabad.