Celebrity Life

Video ni Yasmien Kurdi with husband, may mahigit 7M views na!

By EJ Chua

Trending at kinakikiligan sa social media ang sweet moments ni Yasmien Kurdi at ng kanyang husband na si Rey Soldevilla.

Sa Facebook, isang video ang in-upload ni Yasmien kung saan mapapanood ang bonding moments nila ni Rey.

Kabilang sa matutunghayan sa video ay ang ilang clips na kuha sa kanilang family vacations na nilapatan niya ng isang love song.

Ayon sa caption ng aktres, “Asawa mong nagnanakaw pa rin ng halik sa'yo.”

Sa kasalukuyan, mayroon ng 7.5 million views ang naturang video sa Facebook.

Ang netizens at fans ng aktres, nahawa na sa kilig na naramdaman ng kanilang celebrity idol.

Ayon sa isang netizen, mapapa-Sana all na lang daw sila dahil sa sweetness ng mag-asawa.

Narito ang ilan pang positive comments ng netizens tungkol sa couple:

Sina Yasmien at Rey ay ikinasal noong January 2012.

Sa isang previous interviews ni Yasmien, ini-reveal ng aktres kung magkano lamang ang nagastos sa kanyang kasal.

Samantala, kasalukuyang napapanood si Yasmien sa action suspense drama series na The Missing Husband.

Subaybayan ang kanyang karakter na si Millie, mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.