GMA Logo Kris Aquino and Mark Leviste
Source: markleviste/X(Twitter)
Celebrity Life

Kris Aquino, nilinaw ang relationship status nila ni Mark Leviste

By Kristian Eric Javier
Published November 21, 2023 9:53 AM PHT

Around GMA

Around GMA

P1.224-M worth of illegal firecrackers seized ahead of New Year revelry – PNP
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Kris Aquino and Mark Leviste


Ano na nga ba ang estado ng relasyon nina Kris Aquino at Mark Leviste?

Matapos ang breakup at pagbabalikan, nilinaw ng Queen of All Media na si Kris Aquino kung ano na nga ba ang relationship status nila ng partner na si Batangas Vice Governor Mark Leviste. Ito ay matapos lumabas ang isang article kung saan ibinahagi ng huli na 10 months in a relationship na sila ng actress-TV host.

Sa post ni Kris sa Instagram, inamin niyang mahirap ang isang long-distance relationship lalo na para sa kaniya na dumadaan “very physically demanding treatments.”

Ayon kay Kris ay gumaganda naman na ang kaniyang autoimmune markers base sa huling blood panel niya, ngunit mas pinili nitong bawasan ang stressors sa kaniyang buhay.

“The truth is that I chose to lessen the stressors in my life and put my wellbeing first… on November 3, 2023, I initiated our breakup,” pagbabahagi ni Kris.

Paglilinaw ni Kris ay “well thought out” ang desisyon niya base sa kung ano ang makakabuti sa kaniyang kalusugan.

Dagdag pa ni Kris, “I'm dealing with so much and my love life isn't a priority.”

BALIKAN KUNG SINO ANG MGA LALAKI SA BUHAY NI KRIS AQUINO SA GALLERY NA ITO:

Pinili na lang ni Kris na 'wag nang magsalita tungkol sa isang issue na 'di umano ay mabigat sa puso niya at ng kaniyang pamilya at hiniling ang prayers para sa kaniyang mga kapatid.

Sa halip ay nagpasalamat ang Queen of All Media sa mga prayers at well-wishes na natatanggap niya at nagbigay ng kaunting update sa kaniyang kalusugan.

“Maraming salamat po, against all odds I am slowly getting better, and by God's grace my autoimmune thyroiditis has gone into remission,” pagbabahagi niya.

Dagdag pa ni Kris ay dahil naagapan ng kaniyang mga duktor ay hindi na tumuloy ang kaniyang ika-limang autoimmune disease, isang mixed connective tissue disease, kung saan maaaring ma-uwi sa rheumatoid arthritis (RA) o Lupus (SLE).

“From 5, I'm now just battling 3, BUT 1 of them is the main contrabida because it's life-threatening. THANK YOU for your prayers. God really is listening,” sabi nito.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakipag-break si Kris kay Mark dahil noong September ay ibinahagi niya ang screenshot ng mga mensahe sa huli kung saan tinatanong niya ang Vice Governor kung hindi pa ba ito napapagod sa “unanswered messages.”

“It took me two weeks and a half to feel that I no longer really feel the need to keep communication lines open with you. Whatever is going on in my life or in yours, parang nawala na the desire for me to know what's happening with you or keep you informed,” sulat ni Kris sa kaniyang mensahe.

Nilinaw naman ni Kris na walang nag-impluwensya sa kaniya at sa halip ay natuto lang siya mag-cope sa kaiyang sitwasyon.

Ngunit noong October, sa pagbisita ni Kim Chiu kay Kris, ay nagbigay ito ng maiksing mensahe para kay Mark.

“We've both learned from our mistakes…with God's help sana tuloy tuloy na yung harmonious and supportive relationship namin,” sulat nito sa kaniyang post.

Dito ay pinasalamatan pa niya ang kaniyang bunsong anak na si Bimby na umano nagpa-realize sa kanila kung ano ang kailangan nilang ayusin ni Mark para mas lumakas pa ang kanilang commitment.