Celebrity Life

Gladys Reyes opinyon sa hiwalayan: 'Never magiging option 'yan'

By Kristian Eric Javier

Para sa aktres na si Gladys Reyes, hindi dapat option ng isang couple ang hiwalayan oras na magkaproblema sila. Ibinahagi rin nito ang tatlong sangkap umano ng isang successful at long lasting na relationship.

Sa interview niya sa Updated with Nelson Canlas podcast, ibinahagi ni Gladys na 11 years na silang mag-boyfriend ni Christopher Roxas, bago sila ikinasal, at inamin din na walang sikreto para sa isang long-lasting na relationship.

“Wala namang handbook talaga dyan eh, di ba? Kasi, case to case basis eh. Puwedeng nag-work sa'yo, hindi nag-work sa'min, di ba? Iba 'yung nag-work sa'min,” sabi ng aktres.

Dito, ibinahagi na ni Gladys ang tatlong importanteng sangkap sa kanilang relationship, at ang una dito ay prayers.

Paliwanag ni Gladys, “'Yung faith namin is a big, big factor, 'no? Because, alam mo 'yung iba 'yung may takot, di ba? May takot ka na masira 'yung family, na masira 'yung relationship.”

Dinagdag din ng aktres na importante rin ang patience sa isang relationship, at inaming darating ang punto na maaaring gusto mo nang sumuko.

“Pero, bigla mo maiisip, you go back to number one, 'yung faith at saka 'yung prayers. Oh, bigla mo maalala. Hindi, hindi naman, hindi option dapat ang hiwalayan. Never magiging option yan,” sabi ng aktres.

At ang huling sangkap nina Gladys at Christopher, “Partnership.”

Dito, ibinahagi ni Gladys na kahit anong gawing ng kaniyang mister ay mato-tolerate niya, 'wag lang ang infidelity.

“Kahit na mag-boyfriend kami. I always tell him na...Kasi parang kawalang respeto na rin yun sa pagkababae ko,” pagbabahagi ng aktres.

BALIKAN ANG BLISSFUL RELATIONSHIP NINA GLADYS AT CHRISTOPHER DITO:

Aminado si Gladys na hindi sila perpekto ni Christopher, at na hindi rin perpekto ang kanilang relationship ngunit ipinagpasalamat naman niya na hindi siya sinukuan ni Christopher. Ayon pa sa aktres, sinabi rin ng kaniyang mister na wala naman na itong nakikitang iba pang makakasama.

“Kaya rin siguro, nag-decide na siya na talagang, let's get married. Kasi, imagine, tagal naming mag-boyfriend. Parang, ma-imagine mo pa ba ang sarili mo pag gising mo isang umaga after 11 years, uy, wala na,” pagbabahagi ng aktres.