Celebrity Life

Carla Abellana gives her advice to women who are in bad relationships

By Maine Aquino

Pag-aalaga sa sarili ang isa sa mga maipapayo ni Carla Abellana sa mga babaeng dumaraan sa isang pagsubok sa relasyon.

Matatandaang si Carla ay humarap din sa pagsubok nang magdesisyon silang maghiwalay ni Tom Rodriguez ilang buwan lamang pagkatapos ng kanilang kasal.

Sa interview ni Karen Davila sa Stolen Life actress na si Carla, inilahad niya ang kaniyang payo sa mga kababaihan.

PHOTO SOURCE: YouTube: Karen Davila

Sabi Carla, "I guess my only advice is to make sure you don't lose yourself and you respect yourself pa rin. You don't forget yourself."

Ayon pa sa aktres, dapat alam ng isang tao kung hanggang saan lang ang kaya ibigay sa isang relasyon.

"It always comes to a point when enough is enough. So hopefully they know kung hanggang kailan nila kaya."

Pagdating naman sa kaniyang sa personal na pinagdaanan sa buhay pag-ibig, inamin ni Carla na muntik na niya ma-lose ang kaniyang sarili.

"I did, yes. It's not a moment, it's more of a realization na siya in hindsight e. The red flags pa lang parang forgetting about them and not minding them. Doon pa lang parang medyo ano na 'yun parang form of disrespecting yourself."

Pagpapatuloy pa ng Kapuso star, "You may have boundaries, pero nagko-cross 'yung boundaries. Of course, it was a choice to forgive the person and all that to stay in the relationship."

RELATED GALLERY: IN PHOTOS: Carla Abellana and Tom Rodriguez's relationship timeline

Dahil sa bumibida si Carla ngayon sa GMA Afternoon Prime drama na Stolen Life, itinanong ni Karen, "Do you believe part of your life was stolen?"

Sagot ni Carla, "Actually, I wouldn't say Ms. Karen na stolen kasi ibinigay ko naman. As much as I would like to think and believe na seven years of my life were stolen from me. No naman kasi I was part of that relationship. It was my choice, it was my decision to stay that long."

Panoorin ang interview ni Carla sa vlog ni Karen:

Samantala, panoorin si Carla sa Stolen Life Lunes hanggang Biyernes, 3:20 pm sa GMA Network, Pinoy Hits, at Kapuso Stream sa YouTube.