GMA Logo zeinab harake and bobby ray parks jr
Celebrity Life

Zeinab Harake receives luxury gifts from Bobby Ray Parks Jr.

By EJ Chua
Published January 15, 2024 11:32 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Louvre museum installs security bars on balcony used in October's heist
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

zeinab harake and bobby ray parks jr


Alamin dito kung ano ang mga regalong natanggap ni Zeinab Harake mula sa boyfriend niyang si Bobby Ray Parks Jr.:

Hindi maikakailang masaya ang vlogger-actress na si Zeinab Harake sa kanyang love life ngayon.

Trending ang latest vlog ni Zeinab, kung saan mapapanood ang pagbubukas niya ng Christmas gifts mula sa kanyang loved ones.

Nasorpresa ang vlogger nang makatanggap siya ng luxury gifts mula kay Bobby Ray Parks Jr., ang kanyang boyfriend na isang kilalang basketball player.

Isang pares ng pink na designer sandals ang isa sa mga iniregalo ni Bobby sa kanyang girlfriend.

Kasunod nito, sobrang nagulat si Zeinab nang makatanggap naman siya ng isang pares ng black designer heels mula sa huli.

Nakatanggap din ng isang white luxury bag ang vlogger mula sa kanyang partner.

Binigyan din ni Bobby ng isang women's bible si Zeinab, na ayon sa huli ay 'most special gift' ng una.

Sa naturang vlog, ipinakita rin ni Zeinab ang look ng bago niyang sasakyan, na regalo niya para sa kanyang sarili at mga anak na sina Lucas at Zebbiana.

Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 611,000 views ang naturang vlog. Panoorin dito: