GMA Logo Jessy Mendiola at Luis Manzano
Celebrity Life

Jessy Mendiola, inilahad ang dahilan kung bakit sila muling nagpakasal ni Luis Manzano

By Dianne Mariano
Published February 27, 2024 3:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Megan Young, Mikael Daez mark first Christmas as parents
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Jessy Mendiola at Luis Manzano


Nagkaroon ng dalawang wedding ceremonies ang celebrity couple na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola sa Palawan nitong Pebrero.

Mas tumibay ang pagmamahalan nina Luis Manzano at Jessy Mendiola sa isa't isa matapos silang muling magpakasal noong mga nakaraang linggo.

Sa isang Instagram post, in-upload ng celebrity mom ang ilang larawan mula sa kanilang kasal sa Coron, Palawan, at inilahad ang rason kung bakit sila muling nagpakasal ng kanyang asawa.

Related gallery: Luis Manzano and Jessy Mendiola take beautiful prenup photos in Palawan

“@luckymanzano and I promised each other that when the time is right, we would push through with our dream wedding. Our dream was to get the Lord's blessing on our union and we wanted both our families present during that special moment,” sulat niya sa caption.

Ayon sa 31-year-old star, ito ang unang beses na nakilala ng anak niyang si Rosie ang kanyang buong pamilya. Kwento pa ni Jessy sa kanyang post, una silang ikinasal ni Luis sa isang chapel at matapos ito ay nagkaroon sila ng beach wedding.

Patuloy niya, “Oh, what a wonderful feeling to be walked down the aisle by your parents. Seeing Rosie and Luis at the end of the aisle will be a memory embedded in my heart (& mind) forever. I never thought I'd be able to experience this. Thank you, Lord God, for making this happen.

“My heart is so so full. I will cherish this moment forever.”

A post shared by Jessy Mendiola - Manzano (@jessymendiola)

Samantala, nag-upload si Luis ng bagong YouTube video, kung saan ipinakita ang mga kaganapan sa dream wedding nila ni Jessy sa Palawan.

Noong 2021, naganap ang intimate wedding ceremony nina Luis Manzano at Jessy Mendiola sa The Farm at San Benito sa Lipa City, Batangas.

Isinilang ang kanilang anak na si Isabella Rose Manzano, o Rosie, noong December 2022.