Kilalanin ang Irish businessman at diving instructor na boyfriend ni Glaiza de Castro na si David Rainey. Siya na kaya ang "The One" para kay Glaiza?
It's more fun in the Philippines! Especially since David is spending some quality time with this beautiful and talented lady.
Glaiza's kilig Instagram photo with David quickly went viral with several celebrities even commenting about her blooming love life just in time for Valentine's Day.
Kasama ni Glaiza de Castro sa kanyang dinaluhang event ang Irish surfing instructor na si David Rainey.
.
Bukod sa pagiging surfer, motorcycle enthusiast, at animal lover ay mahilig din mag-drawing si David.
Nagkakilala sila ni Glaiza noong Enero sa Siargao at mula noon ay muli siyang bumalik ng Pilipinas hindi lang para mag-surf, kundi para makasama ang dating 'Contessa' star.
Bukod sa Siargao, magkasama rin silang pumunta sa ilang tourist spots sa Maynila at Tagaytay noong Enero.
Kamakailan lang ay binisita naman ni David ang probinsiya ng Aurora kung saan merong property ang pamilya ni Glaiza.
Ayon kay Glaiza, si David ang kasalukayang nagpapasaya sa kanya. "Masaya ako na nakikita niya 'yung mga pinaggagagawa ko. Minsan tinatanong ko siya, sigurado ka ba sasama ka? Pero masaya ako na nag-eenjoy siya at nag-eenjoy din ako na kasama siya."
Sabi pa ng aktres sa isang interview, pakiramdam niya ay foreigner ang kanyang makakatuluyan at hindi Pinoy.
Hindi itinatanggi ni Glaiza na boyfriend niya na nga si David.
Ibinunyag din ni Glaiza sa '24 Oras' na kasama niya si David sa kanyang paglipad patungong London para mag-aral. Sabi pa ng aktres ay plano rin daw ng kanyang special friend na ipakilala siya sa mga kapatid nito.
Magkaiba man ng lahi, perfect pair pa rin sina Glaiza at David.
Sadyang beach lovers talaga ang dalawa.
Ayon sa isang interview, mahirap man ang long-distance relationship, supportive sina Glaiza at David sa career ng isa't isa.
Supportive rin kaya si David sa K-pop fangirling ni Glaiza?
Parehong mahilig mag-travel sina Glaiza at David.
Kahit nagkakamabutihan na nang tuluyan ang dalawa, wala pa raw silang balak na mag-settle down soon lalo na't mag-aaral pa si Glaiza ng music short course sa UK.
Nakilala na ni Glaiza ang family ni David.
Nakilala naman ni David ang best friends ni Glaiza dito sa Pilipinas.
Pumunta ng Ireland si Glaiza bago mag-pasko noong 2020 upang magbakasyon kasama si David at ang pamilya nito.
Stay happy and in love, Glaiza and David!
Habang nasa Ireland, nag-propose na si David kay Glaiza. Kuwento ni Glaiza, hiningi ni David ang permiso ng mga magulang ni Glaiza bago mangyari ang proposal.
Ibinahagi rin ni Glaiza na handa na ang kanilang prenup video at photos na kinunan sa Ireland.