GMA Logo medwin marfil and mark angeles
Celebrity Life

Medwin Marfil at Mark Angeles, inilahad ang challenges sa kanilang long-distance relationship

By Kristian Eric Javier
Published June 5, 2024 11:34 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, easterlies to bring cloudy skies, rains over parts of PH on Monday, Dec. 15
Visually impaired soldier promoted from captain to major

Article Inside Page


Showbiz News

medwin marfil and mark angeles


Alamin kung paano hinarap nina Medwin Marfil at Mark Angeles ang challenges sa kanilang long-distance relationship dito:

“Mahinang WI-FI sa Pilipinas.”

Iyan ang naging pabirong sagot ng True Faith vocalist na si Medwin Marfil tungkol sa hinarap nilang challenges ng asawa niyang si Mark Angeles sa kanilang long-distance relationship (LDR).

Sa Updated with Nelson Canlas podcast, sinabi ni Medwin na hindi niya pwedeng basta itigil lang ang kaniyang career noon bilang vocalist ng banda sa Pilipinas. Hindi rin naman umano pwedeng umuwi si Mark mula U.S. dahil sayang ang nakukuha niyang mga benepisyo.

Kaya sabi nila, kailangan nilang magtiyaga pansamantala. Ayon kay Medwin, isa sa naging challenges nila sa pagkakaroon ng LDR ay ang magkaibang oras ng Amerika at Pilipinas.

“Ako kasi matutulog ng madaling araw, galing akong gig, I had to wind down pa so nagigising ako, tanghali. When I wake up ng tanghali, pagod na siya [Mark] from work kasi siya naman, pa-wind down na. So while I'm very active, siya naman pa-wind down na,” sabi niya.

Sabi ni Medwin, wala naman silang naging major difficulties na hinarap sa LDR ngunit pag-amin ni Mark, naging frustrated sila na hindi sila makapag-meet in person dahil sa lockdown na dala ng pandemic.

Kwento ni Mark, dahil sarado noon ang U.S. embassy dahil sa lock down ay hindi makapag-apply ng visa si Medwin. Hindi rin siya makauwi noon ng Pilipinas dahil mauubos ang oras niya sa 14 day quarantine na parte ng safety protocols noon.

“And I think, may time pa nu'n na kung hindi ka dual citizen, hindi ka pwede mag-entry sa Pilipinas, isa pa rin 'yun sa mga issues so parang 'Sige, tiyaga-tiyaga lang tayo.' Buti nga may Face Time, hindi lang voice, pati video,” sabi niya.

BALIKAN ANG CELEBRITIES NA NAPAGTAGUMPAYAN ANG KANILANG LONG-DISTANCE RELATIONSHIPS SA GALLERY NA ITO:

Patuloy na kuwento ni Mark, nang lumuwag na ng kaunti at nag-open na nag U.S. embassy, sinubukan naman ni Medwin magpa-schedule ng interview para makakuha ng visa. Ngunit mahigit isang taon pa ang makukuha ng schedule ng band vocalist.

Ani Medwin, “Because of covid, pa-schedule ka ng interview, 'yan, ganun. One year ang time mo before the interview kasi nga, because of covid, undermanned ang embassy, ganun.”

Pag-amin pa ni Mark, umabot sila sa puntong tinitingnan ang possibilities na magpunta sa Mexico o sa Costa Rica para lang magkita in person.

“Kasi nga parang, 'Ano 'yung possibilities?' Kasi nagre-research kami also. Sila, open sila, walang quarantine, walang visa na kailangan,” sabi niya.

Ayon pa kay Medwin, merong kaibigan si Mark, na naging kaibigan na rin niya, na merong bahay sa Costa Rica at doon nagsimula ang kanilang idea.

Ngunit bago pa man nila masimulan ang kanilang plano, may magandang balita na si Medwin kay Mark--nagkakaroon ng U.S. Tour ang kanilang banda, kasama ang Rivermaya, Introvoys at Gloc-9.

Pag-alala ni Mark sa sinabi ni Medwin, “So, mukhang mapapaaga 'yung pagpunta ko ng U.S. at saka guaranteed na matutuloy kasi sila ang mag-aasikaso ng papers.”

“Sabi ko, 'Okay, sige, antayin na lang natin.' 'Yun, it fell into place kaya I worked around their schedule. Since magto-tour sila, sabi ko, 'Sige, sama ako sa tour para magkita na tayo and at the same time, makapag-hang-out na tayo together,'” sabi niya.

Sinang-ayunan naman ni Medwin ang sinabi ni Nelson na “Love will always find a way.”

“Exactly! Kung totoo, tunay, kung gaano ka-strong, talagang you will move heaven and earth just to make things happen,” sabi niya.

Pakinggan ang part two ng interview ni Medwin dito: