Celebrity Life

Janno Gibbs’ advice to Christian

By EUNICIA MEDIODIA

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Napapanood natin ang Kapuso actor na si Janno Gibbs bilang Christian o Daddy Long para kina Rachel at Chelsea sa My BFF. Pa-intense na rin ng pa-intense ang mga aabangan sa show dahil ngayon, si Christian ang tinuturong nanakit kay Patrick. Siya nga ba ang tunay na salarin?

Hanggang ngayon, ‘di pa rin nagkakabati ang mag-asawang sina Lyn at Christian. Paano kaya maibabalik ang dati nilang samahan?

Tinanong ng GMANetwork.com ang Kapuso actor kung ano ang maipapayo niya sa kanyang karakter na si Christian sa My BFF.

“Kung ako ang mag-a-advice kay Christiaqn, feeling ko I’m the wrong person to give an advice to him. Parang wala ako sa posisyon, parang wala sa karakter ko ang mag-advice sa isang Christian,” natatawa niyang sinabi.

Pero nang tanungin muli namin siya, “I know for a fact na si Christian has good intentions. Gusto niyang mabuong muli ang family niya,” sagot niya.

Dagdag pa niya, “weak lang talaga si Christian but he has good intentions. He has a good heart,” aniya.

Ano pa ba ang mga dapat abangan sa My BFF?

“Kung napanood nila ‘yong suntukan namin ni Patrick, that’s not the first time. Magkakaroon pa ulit. Manliligaw pa rin ako kay Mommy Lyn. Babawi pa ako. Si Lavender ganoon pa rin habang tumatagal mas mababaliw pa iyan,” ang kuwento ng aktor.