GMA Logo Sef Cadayona, Nelan Vivero, Anya
Courtesy: sefcadayona (IG), @nqbymetrophoto (IG)
Celebrity Life

Sef Cadayona pens appreciation message for partner Nelan Vivero

By EJ Chua
Published July 30, 2024 6:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

One week reenacted budget won't hurt gov't ops in 2026 — Recto
Siblings slain on Christmas Day in Cebu City
How celebrity families celebrated Christmas 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Sef Cadayona, Nelan Vivero, Anya


'Pulang Araw' actor Sef Cadayona sa kanyang non-showbiz partner: “Date ulit tayo soon… I love you.”

Kamakailan lang, naganap ang baptismal ng anak ng Pulang Araw actor na si Sef Cadayona na si Anya.

Ilang araw matapos ang event para rito, isang appreciation post ang inihandog ni Sef sa kanyang non-showbiz partner na si Nelan Vivero, ang mommy ni Anya.

Base sa post ng comedian-actor na ngayo'y isang loving dad at partner, naging hands on talaga si Nelan sa event na inihanda nila para sa kanilang baby.

Sa Instagram, mababasa ang touching at appreciation message ni Sef para sa kanyang non-showbiz partner.

Sulat niya sa caption, “Thank you Baby! Bago ko simulan na mag flood ng pictures sa binyag ni Anya ay gusto ko muna i-dedicate 'tong post na 'to sa 'yo at sa inyo.”

Kasunod nito, inilahad ni Sef ang ilang detalye tungkol sa efforts ni Nelan na naging dahilan kung bakit naging successful ang first event ng kanilang pamilya.

Ayon kay Sef, “Masasabi ko na hindi magiging successful ang baptism event ni Anya kundi rin dahil sa 'yo… from planning to execution hands on ka Mommeh.”

“Pati sa mga small details like kung paano pagandahin 'yung mga candles and even table number designs ikaw nag plan and design. Ikaw halos nag-coordinate sa lahat, ang galing,” pagpapatuloy niya,

Pahabol pa ni Sef, “Sobrang thank you baby, Proud ako sa 'yo… Date ulit tayo soon.. I love you.”

Isang post na ibinahagi ni Sef Cadayona (@sefcadayona)

Samantala, si Sef ay engaged na kay Nelan.

Naganap ang intimate wedding proposal ng una para sa kanyang non-showbiz partner noong August 30, 2023.

Related content: Sef Cadayona and Nelan Vivero: The sweetest moments of the newly
engaged couple