Celebrity Life

'Bahala ka na!' - Janno Gibbs on Thea Tolentino

By EUNICIA MEDIODIA

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Aminado ang actor/comedian na si Janno Gibbs na hanga siya sa Kapuso actress na si Thea Tolentino. Ayon sa actor, noon pa man nakikinita niya na ang talento nito sa pag-arte.

Matatandaang nagkatrabaho ang dalawa sa Pyra Babaeng Apoy. Dito, mentor ni Thea ang ginagampanang karakter ni Janno Gibbs.

“Hindi naman surprising, kasi before Pyra nakilala siya sa Anna KareNina. So napansin na magaling siya. After that, nag-Pyra naman siya,” pagmamalaki niya sa Kapuso actress.

Bida ang ginagampanang role ni Thea sa Pyra Babaeng Apoy. Ngayon naman gumaganap siya bilang Ashley Alcantara sa The Half Sisters, kung saan wala niyang sawang pinapahirapan ang bida nito na si Barbie Forteza.

Tinanong namin ang Kapuso actor kung saan sa tingin niya nababagay si Thea – sa pagiging kontrabida ba o sa pagiging bida.

“Sa akin, mas okay na flexible siya kasi not everybody pwedeng kontrabida, pwedeng bida. So good for her na pwede siya both. I’m not surprised, magaling naman talaga siya,” sagot ni Janno.

Ano naman ang kanyang mensahe para sa young actress?

“Bahala ka na!” biro niya.

Sabi ng actor nais daw niyang magtuloy-tuloy pa ang magandang career ni Thea sa showbiz lalo't napapansin na rin ito bilang magaling na artista.