
Masaya at nae-enjoy ngayon ng Widows' War actress na si Bea Alonzo ang pagiging single.
Matatandaan sa interview noon kay Aubrey Carampel para sa 24 Oras, inamin ni Bea na may mga nagpaparamdam sa kanya pero wala pa siyang idine-date exclusively.
Sa report ni Pia Arcangel sa Saksi, ani Bea, hindi niya isinasara ang puso pagdating sa pag-ibig at mahalaga para sa kanya ang strong connection. Pero, nakararamdam kaya ng pressure ang aktres pagdating sa usapang pagpapakasal?
"Hindi naman marriage 'yung laging endgame ng lahat," sabi ni Bea. "We have different paths. We have different destinies and faith. If it happens I'll be happy."
Panoorin ang ulat dito:
Samantala, patuloy na subaybayan si Bea Alonzo sa hit murder mystery series na Widows' War, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.
TINGNAN ANG MASAYANG PAMILYA NI BEA ALONZO SA GALLERY NA ITO: