GMA Logo Ysabel Ortega, Miguel Tanfelix, Grace Tanfelix
Photo source: Grace Tanfelix (FB)
Celebrity Life

Ysabel Ortega, pasado sa pamilya ni Miguel Tanfelix?

By Karen Juliane Crucillo
Published February 4, 2025 12:18 PM PHT
Updated February 4, 2025 2:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Head coach LA Tenorio activated for Magnolia; Andrada, Abis also get green light
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Ysabel Ortega, Miguel Tanfelix, Grace Tanfelix


Nag-bonding si Ysabel Ortega kasama ang pamilya ni Miguel Tanfelix!

Level-up na nga ba ang relasyon nina Ysabel Ortega at Miguel Tanfelix?

Mukhang wala ng awkward moments ang Sparkle actress sa pamilya ni Miguel dahil sa kanyang masayang bonding time kasama ang Tanfelix family.

Sa Facebook ni Grace Tanfelix, nanay ng Mga Batang Riles ) star, nag-post ito ng isang video ng kanilang family time sa kanilang bahay.

Makikita sa video na bumisita si Ysabel habang sila ay masayang kumakain ng hotpot at inabutan niya ang nanay ni Miguel ng pasalubong.

Nakisama na rin si Ysabel at kumain kasama ang pamilya ni Miguel habang sila ay nagkukuwentuhan.

"Chill night, good company. Thank you sa pagbisita, Ysabel!" sabi sa caption.

Maraming mga fans naman ang nag-comment para magpakita ng suporta sa YsaGuel.

Komento ng isang fan, "Ito talaga yung hinihintay ko mag-visit si Ysabel."

"Parang napakadaling pakisamahan si Ysabel kahit na lumaking mayaman. Napakasimpleng babae," pagpuri ng isang fan kay Ysabel.

Pati na rin si mommy Grace ay nagpakita ng suporta sa dalawa dahil nag-post ito ng picture nilang tatlo na may caption na, "With YsaGuel!"

Hindi rin nagpahuli ang Tanfelix family sa paggawa ng TikTok video at kasama nila si Ysabel sa kanilang sayaw.

"Ngayon na lang ulit nakapag-TikTok," nakalagay sa caption.

@gracetanfelix

Ngayon na lang ulit nakapagtiktok.🥰

♬ original sound - zed

Binati ng mga YsaGuel fans ang kanilang masayang bonding time at mas nag-aabang na sila ng mas marami pang TikTok videos kasama ang pamilya ni Miguel at si Ysabel.

Noong 2023, inamin nina Miguel at Ysabel na sila ay "exclusively dating."

Nagkasama sila sa Voltes V: Legacy at sa GMA Pictures' award-winning Firefly.

Samantala, tingnan dito ang Christmas celebration nina Ysabel Ortega at Miguel Tanfelix: