GMA Logo dennis trillo gets surprise birthday greeting from jennylyn mercado
What's on TV

Dennis Trillo gets surprise birthday greeting from Jennylyn Mercado at 'Sanggang Dikit FR' shoot

By Jansen Ramos
Published May 13, 2025 11:41 AM PHT
Updated May 16, 2025 3:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

dennis trillo gets surprise birthday greeting from jennylyn mercado


Ipinagdiwang ng 'Sanggang Dikit FR' actor na si Dennis Trillo ang kanyang 44th birthday noong Lunes, May 12.

Sinorpresa ni Ultimate Star Jennylyn Mercado ang kanyang asawa na si Dennis Trillo, na nagdiwang ng kanyang ika-44 na kaarawan kahapon, May 12, habang nasa pictorial ng bago nilang serye na Sanggang Dikit FR ngayong araw, May 13.

Kahit nasa trabaho, nanguna si Jennylyn Mercado sa pagbati kay Dennis Trillo kasama ang Sanggang Dikit FR team.

Habang nag-shu-shoot ang aktor ng content para sa digital promos ng programa, umeksena si Jennylyn na may dalang cake. Short but sweet naman ang mensahe ng aktres sa kanyang mister na nakatangggap din ng matamis na halik mula sa kanyang misis.

Nagulat naman si Dennis sa sorpresa ni Jen at ng staff and crew ng bagong pagbibidahan nilang action series.

Samantala, ipagdiriwang naman ni Jennylyn ang kanyang ika-38 kaarawan sa May 15.

Mapapanood ang Sanggang Dikit FR simula Hunyo sa GMA Prime.

Mula ito sa direksyon ni LA Madridejos at sa produksyon ng GMA Entertainment Group.

RELATED CONTENT: Photos that prove Jennylyn Mercado and Dennis Trillo are meant for each other