advertisement
Celebrity Life

IN PHOTOS: Kiray Celis at ang jowable niyang boyfriend

1 of 26

Johanna Ismael Celis

Likas na masayahin at makulit ang Kapuso comedienne na si Kiray Celis pero ilang beses din siyang nasangkot sa mga love issues para maging kontrobersyal ang kanyang love life.

2 of 26

Stephan Estopia

December 2019 nang ipakilala sa publiko ni Kiray ang non-showbiz boyfriend niyang si Stephan Estopia.

3 of 26

Maalaga

Base sa mga Instagram stories ni Kiray Celis tungkol sa boyfriend niyang si Stephan Estopia, gusto niya ang pagiging maalaga at maalalahanin ng huli.

advertisement
4 of 26

Proud to have her

Ilang beses nang ipinangalandakan ni Stephan Estopia ang pagmamahal niya kay Kiray Celis sa social media at puno ng matatamis na mensahe ang lagi nitong pahayag tungkol sa aktres.

5 of 26

Sweet

Ayon kay Kiray Celis, lagi umanong ipinaaalala ng boyfriend niyang si Stephen Estopia kung gaano siya nito kamahal sa pamamagitan ng sweet messages and gestures.

6 of 26

Sumasabay sa trip

Kahit anong trip ang hilingin ni Kiray kay Stephan Estopia, lagi siya nitong pinagbibigyan gaya na lamang ng paggawa ng Tiktok content.

advertisement
7 of 26

Mahilig mag-travel

Ayon kay Kiray Celis, natupad na ang pangarap niyang puntahan ang mga lugar na nais niya, kasama ang “the one” niyang si Stephan Estopia.

8 of 26

Supportive

Suportado rin ni Stephan Estopian ang mga gustong ma-achieve ni Kiray Celis gaya ng interes niya sa cartoon character na Spongebob at pagwo-workout.

9 of 26

Food buddy

Hindi na mag-iisa si Kiray sa tuwing gusto niyang lumabas para kumain dahil mayroon na siyang food buddy sa katauhan ni Stephan Estopia.

advertisement
10 of 26

Full of surprises

Ilang beses na ring sinorpresa ni Stephen Estopia ang girlfriend niyang Kiray Celis gaya ng bonggang celebration nila ng Valentine's Day.

11 of 26

Reciprocate

Ibinabalik din ni Kiray Celis ang sweet gestures ni Stephan Estopia sa pamamagitan ng pagbigay sa kanya ng maraming regalo.

12 of 26

Affectionate

Kinikilig ang lahat ng fans ni Kiray tuwing nakikita nila ang magkasintahan na sweet na sweet sa social media.

advertisement
13 of 26

Graduation

Noong nagtapos si Stephan sa Arellano University, isinaad niya ang kanyang pagmamahal kay Kiray sa pamamagitan ng pagsulat ng mga salitang, “Mahal na mahal kita Johanna Ismael Celis” sa kanyang whiteboard.

14 of 26

Biggest fan

Ani Stephan, malaking inspirasyon para sa kanya si Kiray kaya naman maituturing siya bilang number one fan ng comedienne.

15 of 26

First anniversary

Magkahiwalay na ipinagdiwang nina Kiray at Stephan ang kanilang first anniversary noong December 13, 2020. Pero naging memorable pa rin ang selebrasyon dahil sa surprises nila sa isa't isa.

advertisement
16 of 26

Gift

Sinorpresa ni Stephan si Kiray sa pamamagitan ng pagpapadala ng boquet of roses at chocolates sa lock-in taping ng Kapuso series na Owe My Love, kung saan isa si Kiray sa cast members.

17 of 26

Wedding plans

Sinabi ni Kiray sa GMANetwork.com na napag-uusapan na nila ni Stephan ang pagpapakasal.

18 of 26

Monthsary

Talagang kahit monthsary ay ipinapakita ni Stephan kung gaano ka-espesyal si Kiray sa kanya.

advertisement
19 of 26

Birthday

"Mahal na mahal kita! Wala na akong mahihiling pa" ang sambit ni Kiray sa isang parte ng kanyang birthday message para sa nobyo noong August 18, 2021.

20 of 26

Lessons

Ilang beses naloko si Kiray noon pero tingnan n'yo naman siya ngayon, happily in love at contented sa piling ng kanyang "jowa." "There's always a rainbow after the rain," ika nga.

21 of 26

Tattoo

Maraming mga netizens ang napa-"sana all" nang ipa-tattoo ni Stephan Estopia ang mga mata ng nobya niyang si Kiray Celis sa kaniyang dibdib.

Sa panayam ng 'Kapuso Mo, Jessica Soho' sa magkasintahan, sinabi ni Stephan na wala siyang balak ipabura ang ipina-tattoo na mga mata ng nobya bagkus ay plano niya pa itong dagdagan ng mga pangalan ng kanilang magiging anak.

advertisement
22 of 26

Long ride with love

Sinubukan nina Kiray at Stephan ang isang long ride sakay ng motorsiklo. Matching outfit pa ang dalawa na nag-enjoy sa kanilang biyahe. Ayon pa kay Kiray, first time niyang bumiyahe sakay ng motor mula alas singko ng umaga hanggang alas otso ng gabi.

23 of 26

Second anniversary

Sa kanilang second anniversary, nagbigay ng nakakikilig na mensahe si Kiray para sa kaniyang boyfriend. Sa Instagram, ipinost ng aktres ang larawan nila ni Stephan habang buhat siya nito sa beach.

Sulat ni Kiray, "Bago matapos itong araw nato, gusto kitang batiin ng Happy happy happy 2nd anniversary @stephan.estopia. Maraming salamat sa pagmamahal, respeto, katapatan, tiwala, suporta at pag-aaruga. Mahal na mahal kita!."

24 of 26

Boracay 2021

Bago matapos ang taong 2021, saglit na nagbakasyon sina Kiray Celis at Stephan Estopia sa isla ng Boracay.

Sa Instagram, ipinost ni Kiray ang larawan nila ni Stephan sakay ng isang bangka.

Aniya, "Piliin natin kung saan tayo sasaya. gawin natin lahat ng gusto natin. magmahal tayo, sumugal tayo, bumangon tayo, magpatawad tayo, maging mabait tayo tapos wag natin kalimutan na mahalin ang sarili natin. mabuhay tayo ng masaya. Yun lang! Sapat na!"

advertisement
25 of 26

Meet the Family 

Ibinahagi naman ni Stephan Estopia sa social media na pormal niya nang ipinakilala ang kanyang girlfriend na si Kiray Celis sa mga kamag-anak niya sa Pangasinan.

Aniya, "Salamat at pumayag ka na mapakilala at madala ko sa mga kamag anak ko sa pangasinan. Mahal na mahal ka namin. Mahal na mahal kita."

26 of 26

New tattoo: Kiray Celis

Sa Instagram, ibinida ni Kiray Celis ang bagong tattoo ni Stephan Estopia kung saan makikita ang kanyang buong pangalan na 'Kiray Celis.' Ito raw ang regalo sa kanya ng boyfriend sa araw ng mga puso.

Kuwento ni Kiray, "Hiniling ko lang naman na bigyan ako ng lalaking mahal na mahal ako. Pero ang dumating, mahal na mahal na, patay na patay pa. HAHAHAHAHA! Since hindi daw ako mahilig sa bulaklak, eto daw regalo niya sakin nung valentine's day."