advertisement
Celebrity Life

LOOK: Alwyn Uytingco surprises Jennica Garcia with a trip to Pinto Art Museum on their 12th anniversary

1 of 12

Alwyn Uytingco and Jennica Garcia

Ipinagdiwang nina Alwyn Uytingco at Jennica Garcia ang kanilang 12th anniversary sa Pinto Art Museum sa Antipolo, Rizal.

2 of 12

Surprise

Ayon kay Alwyn Uytingco, pinaghandaan niyang mabuti ang surprise date kay Jennica Garcia dahil "napakahalaga para sa kanila" na maipagdiwang ang kanilang 12th anniversary.

3 of 12

12th anniversary

"Alam naman natin lahat, isang milagro ang ma-celebrate namin ang 12th anniversary namin. Muntik na nga matapos sa 11th year. [Opo, dahil po sa 'kin. Ako po ang may sala. Sorry na po.]," paliwanag ni Alwyn Uytingco tungkol sa relasyon nila ni Jennica Garcia.

advertisement
4 of 12

Pinto Art Museum

Kuwento ni Alwyn Uytingco, matagal nang gustong makapunta ni Jennica Garcia sa Pinto Art Museum kaya naman ito ang naisip niyang sorpresa para sa kanyang asawa. "Sinurprise ko siya nang dalhin ko siya sa Pinto Art Museum at wala siyang kaalam-alam," sabi ng aktor.

5 of 12

Wishing well

Isa sa mga napuntahan nina Alwyn Uytingco at Jennica Garcia sa Pinto Art Museum ay ang balon. "May isang area roon na may balon na mukhang wishing well kasi nakita namin sa ibaba na may mga barya sa ilalim ng tubig. Kaya ayon, naghulog ng piso ang tito at tita mo," sabi ni Alwyn.

6 of 12

Paintings

Pinasyalan nina Alwyn Uytingco at Jennica Garcia ang ilang magagandang views at paintings sa Pinto Art Museum.

advertisement
7 of 12

Food

Hindi rin pinalagpas nina Alwyn Uytingco at Jennica Garcia ang masasarap na pagkain sa Pinto Art Museum.

8 of 12

Date

Malaki ang pasasalamat ni Alwyn Uytingco na muli silang nagkaayos ni Jennica Garcia. Aniya, "Nanay, salamat. At kahit ganito ako, maraming kakulangan sa 'yo, maraming pagkakamali at imperfect na tao, nakikita mo pa rin ako."

9 of 12

Love

Nagpapasalamat din si Alwyn Uytingco sa pagmamahal na ibinibigay sa kanya ni Jennica Garcia. "Salamat sa 12 years nating pagsasama. Salamat sa pagmamahal," sabi niya.

advertisement
10 of 12

Blessings

Ikinasal sina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco noong February 2014, at biniyayaan ng dalawang anak na sina Athena Mori at Alexis Severina.

11 of 12

Bamboo trees

Para kay Alwyn Uytingco, ang pinakamagandang parte ng pamamasyal nila sa Pinto Art Museum ay ang napuntahan nilang bamboo trees. "Sa tuwing humahangin, parang kumakanta 'yung mga bamboo kapag nagbe-bend 'yung trunk nila," kwento ng aktor.

12 of 12

Avatar

Sa napuntahang bamboo trees, naalala rito ni Alwyn Uytingco ang kauna-unahang pag-uusap nila ni Jennica Garcia noong nobya pa lamang niya ito. "Nasa isang bar kami noon. Halos magkatabi kami pero 'di nag-uusap. Wala ako ibang masabing ice breaker kundi... 'Napanood mo na ba 'yung Avatar?' Doon nagsimula ang conversation namin."

advertisement