Snooky Serna names her friends in showbiz

Ngayong Miyerkules, May 10, ang award-winning actress na si Snooky Serna ang guest sa 'Fast Talk with Boy Abunda.'
Apat na taong gulang pa lamang noon si Snooky Serna nang pasukin niya ang mundo ng show business.
Sa kasalukuyan, patuloy pa ring napapanood sa telebisyon ang 57-year-old actress.
Sa katunayan nga, naging parte siya ng katatapos lamang na GMA Telebabad series, ang 'Underage,' na adaptation ng pelikula nila noong 1980s na parehas din ng pamagat.
Dahil halos umikot na sa entertainment industry ang buhay ni Snooky, hindi maikakailang napakarami na niyang naging katrabaho at naging kaibigan sa industriya.
Pero sino nga ba ang ilan sa mga taong malapit sa puso ni Snooky? Kilalanin sila sa gallery na ito.












