Sinalubong ni Yassi Pressman ang Bagong Taon kasama si Camarines Sur Gov. Luigi Villafuerte habang nagbabakasyon sa Vietnam.
Sa Instagram post ng 'Black Rider' star noong January 1, ibinahagi niya ang ilan niyang larawan mula sa kanilang trip. Isa rito ang picture nila ng politiko kung saan nakayakap ang aktres sa kanya.
Ika ni Yassi sa caption, "Last year was such a rollercoaster, but the ride, be it scary sometimes, will always be fun.
"So excited for 2024, to all your highs and lows, stops and go-sss, laughs and cries (hopefully more for joy tho ) and for the opportunity for us to breathe more, share more, learn more, give more, live more & love more.
"First day of the year in a place I've never been before, here's to new life discoveries "
Nagbahagi rin si Luigi ng kanyang New Year post sa Instagram.
Kalakip nito ang ilang larawan at isang video mula sa highlights ng kanyang 2023.
Makikita rito ang sweet photo nila ni Yassi at ang nasabing video kung saan nakaangkas ang aktres sa motor na minamaneho ng gobernador.
Sabi ni Luigi, "Happy new year to everyone! 2023 was a year when prayers and blessings came true excited for what's to come!"
Tingnan ang iba pang larawan nina Yassi at Luigi mula sa kanilang New Year trip.
Magkasamang nagbakasyon sina Yassi Pressman at Camarines Sur Gov. Luigi Villafuerte sa Vietnam para salubungin ang 2024.
Ibinida ni Yassi Pressman ang kanyang selfie bilang turista.
Tila naging photobomber ang rumored boyfriend ni Yassi Pressman na si Camarines Sur Gov. Luigi Villafuerte sa selfie ng aktres.
Hindi pinalampas ni Yassi Pressman na tikman ang popular na Vietnamese sandwich na banh mi.
Nagpakuha ng litrato si Yassi Pressman sa kulay dilaw na building na tourist attraction sa Hoi An, Vietnam.
Sa hiwalay na Instagram post naman ni Luigi Villafuerte, ibinahagi niya ang sweet photo nila ni Yassi Pressman sa Hoiana Resort & Golf sa Central Vietnam.
Magkasama rin silang nagbakasyon sa Phuket, Thailand kasama ang iba pa nilang kaibigan.
Relax na relax ang rumored couple sa pool habang nakasakay sa inflatable pool lounger.
Sa isang videong ipinost ni Luigi Villafuerte, makikitang nagkaroon sila ni Yassi Pressman ng scenic road trip by the beach.