Layag na layag na ngayon ang relasyon ng aktres na si Cristine Reyes at ng hunk actor na si Marco Gumabao.
Bago pa man nila kumpirmahin ang kanilang tunay na relationship status, usap-usapan na ng netizens noon ang pagiging sweet sa isa't isa nina Cristine at Marco base na rin sa kanilang larawan na magkasama.
Kinumpirma na rin ni Cristine sa Fast Talk with Boy Abunda na annulled naang kasal nila ng kanyang ex-husband na si Ali Khatibi.
Kaya naman, enjoy na enjoy na ngayon nina Cristine at Marco ang kanilang pagsasama. Pero ang tanong, plano na nga ba nilang magpakasal?
“Of course. Basta ang usapan namin [Cristine Reyes] is 'yung future together. Pero 'yung details or 'yung kung ano, of course, pakonti-konti. Pero 'yung mas longer [plans] 'yun pa, siyempre, 'yung pag-uusapan namin,” kuwento ni Marco.
Pero bago ang kasalan, silipin muna ang sweetest photos nina Cristine at Marco sa gallery na ito:
Isa sa mga hottest celebrity couple ngayon sina Cristine Reyes at Marco Gumabao. Pero 'di tulad ng iba, tahimik sa intriga ng mga marites ang dalawa.
Nagsimula ang mga ispekulasyon tungkol kina Cristine Reyes at Marco Gumabao nang mamataan sila na magkasama sa Siargao. Matapos ito, sunod-sunod pa ang paglabas social media ng mga larawan ng dalawa na magkasama.
Sa Instagram noong April 2023, nag-post si Marco Gumabao ng sweet photos nila ni Cristine Reyes na may caption na, “You are my home and my adventure all at once.” Nag-komento naman dito si Cristine ng heart at love emojis.
Hindi na itinago nina Cristine Reyes at Marco Gumabao na enjoy na enjoy nila ang company ng isa't isa. Patunay dito ang travel at beach photos nila na magkasama.
Matapos ang kanilang pagiging Instagram official, madalas na ring makita na magkasama sina Cristine Reyes at Marco Gumabao sa ilang mga showbiz event.
Tila hilig din ng celebrity couple ang extreme adventure, gaya ng mountain hiking at road trip sa rough roads.
Kulang na lamang ay langgamin ang sweet photo na ito nina Cristine Reyes at Marco Gumabao.
Nakakuha din ng suporta sa isa't isa sina Cristine Reyes at Marco Gumabao. Sa isang Instagram post, nagkuwento si Cristine, “I have been struggling with a persistent bulging disc which is having an emotional impact on me. I worry about the possibility that there may come a time when I am no longer capable of being physically active. I hope to eventually discover a solution that provides some relief, allowing me to live my life free from this burden of pain. Thank you to my loving lovey @gumabaomarco for visiting here even though it's far away. I didn't expect this, but you came.”
Hindi naman bothered sina Cristine Reyes at Marco Guambao sa kanilang 6-years age gap.
Kuwento ni Marco sa isang interview, “Kahit naman ako nagulat eh [laughs]. I mean, everything was very unexpected. Nothing was planned definitely. So everything just happened naturally and here we are. Kasi nag-start kami working out together. Kasama pa nga namin si Jake Cuenca e. Like exactly a year ago. So wala talagang plans, anything to get into an intimate relationship. Kumbaga everything just happened naturally and yun nga, kumbaga, wala, ganun naman ang love di ba? Mabibigla ka na lang. You don't plan.”
Spotted din sa isang game sa FIBA World Cup 2023 na ginanap sa Pilipinas sina Cristine Reyes at Marco Gumabao kamakailan.
Inamin ni Marco Gumabao na showbiz crush niya na noon pa man si Cristine Reyes.
Kuwento niya sa isang interview, “Dati ko pa naman siya crush eh. Dati pa naman. I think sa mga interviews, I always say kung sinong showbiz crush ko, I would always say Cristine. With Cristine, actually what you see is what you get eh. Pag nagpapa-interview siya, kung ano yung ugali talaga niya, she really shows it to everyone. Wala siyang tinatago. So I think that's what's nice also about her. Kasi mahirap yung tao na may tinatago in front of the camera. Tapos behind the camera iba palang tao siya. But I think kaya nag-click din kami ni Cristine kasi we both don't show face to people. What you see is what you get, kumbaga.”
Gaya ng ibang couple, importante rin kina Cristine Reyes at Marco Gumabao ang quality time together.
Very close na rin si Marco Gumabao sa anak ni Cristine Reyes na si Amarah.
Kitang-kita ang kilig ni Cristine Reyes sa sweet kiss sa kanya ni Marco Gumabao.
Sa kanilang social media posts, makikita ang iba't ibang quality time nina Marco Gumabao at Cristine Reyes.