advertisement
Celebrity Life

Aiai Delas Alas and Gerald Sibayan celebrate 10th anniversary with romantic photoshoots

1 of 15

Ai Ai Delas Alas and Gerald Sibayan

"Going strong," ito ang nasabi ni Comedy Queen Aiai Delas Alas sa selebrasyon ng 10th anniversary nila ng asawang si Gerald Sibayan.

2 of 15

10th anniversary

Isang dekada nang magkasama sa buhay sina Aiai Delas Alas at Gerald Sibayan. Mensahe ng comedy queen sa kanyang asawa: "ONE DECADE DOWN. Forever to go. Ten years is only the beginning darl ko... as long as we are together... the best is yet to come."

3 of 15

Thankful

Ipinagpapasalamat ni Aiai Delas Alas sa Diyos ang naging buhay niya kasama ang asawang si Gerald Sibayan. Sabi niya, "Thank you dear LORD for our marriage. I am very grateful for this beautiful journey you have given us."

advertisement
4 of 15

Love

Ipinarating din ni Aiai Delas Alas ang pagmamahal kay Gerald Sibayan. Aniya, "Love you very much darling ko."

5 of 15

Marriage

Ayon kay Aiai Delas Alas, 10 taon na silang magkasama ni Gerald Sibayan ngayong 2024 at pitong taon naman bilang mag-asawa. Ani comedy queen, "Yes going strong... parang kelan lang."

6 of 15

First date

Binalikan ni Aiai Delas Alas ang first date nila ni Gerald Sibayan. Kuwento niya, niyaya siya ni Gerald na makipag-date at ang naging sagot niya: "Hoy bagets kung ako ang magbabayad hindi na ko makikipag-date sa 'yo."

advertisement
7 of 15

Pagpayag sa first date

Sa huli ay pumayag din si Aiai Delas Alas na makipag-date nang sabihin sa kanya ni Gerald Sibayan: "May pera ko syempre ako magbabayad."

8 of 15

Soya milk at cheesecake

Kuwento pa ni Aiai Delas Alas, sa Starbucks sila unang nag-date ni Gerald Sibayan. Dahil sa nahihiya, soya milk at cheesecake lamang daw ang inorder niya noon. "Ang arte ko kala ko kasi [kaunti] lang dala n'ya. Nakakahiya naman magbakulaw ako sa paglamon."

9 of 15

Courting

Matapos ang naging first date kay Gerald Sibayan ay naging sila rin matapos ang isang buwan. Sabi ni Aiai Delas Alas: "'Yun lang nakalimutan ko na ending after one month jowa ko na s'ya."

advertisement
10 of 15

30-year-age gap

Hindi naging hadlang sa pagmamahalan nina Aiai Delas Alas at Gerald Sibayan ang halos 30 taong agwat ng kanilang mga edad at ikinasal noong December 2017.

11 of 15

San Francisco

Naninirahan sina Aiai Delas Alas at Gerald Sibayan ngayon sa San Francisco sa Amerika. Umuuwi ang comedy queen sa Pilipinas kung siya ay may gagawing proyekto.

12 of 15

Tatlong anak

Kasama ni Aiai Delas Alas sa Amerika ang tatlong anak na sina Sancho Vito, Sophia, at Sean Nicolo.

advertisement
13 of 15

Greatest achievement

Sa interview sa Fast Talk with Boy Abunda noong March, ibinahagi ni Aiai na ang greatest achievement niya sa buhay ay ang kanyang pagiging ina at asawa.

14 of 15

Relationship goals

Talaga namang #RelationshipGoals ang naging pagsasama nina Aiai Delas Alas at Gerald Sibayan.

15 of 15

Congratulations

Happy 10th anniversary, Aiai and Gerald!

advertisement